Lie To Me panalo sa ratings

MANILA, Philippines - Simula nung umere ang Lie to Me noong June 18, ang romantic-comedy Asianovela series ng GMA ay gabi-gabi itong nagpapakilig at nagpapasaya sa mga manonood. Ang primetime series na ito ay pinagbibidahan nina Yoon Eun-Hae bilang Angela Gong at Kang Ji-Hwan bilang Kenneth Hyun.

Maganda ang naging pagtanggap ng mga manonood ng serye pagkatapos nitong makakuha ng mataas na ratings simula ng kanyang pilot episode mula sa data ng Nielsen TV Audience Measurement.  

Base sa overnight household data na narecord sa Urban Luzon simula June 18 hangang July 13, ang Lie to Me ay nakapagtala ng average household audience share na 38.4 points. Ang Urban Luzon ay bumubuo ng 77 percent of total television households nationwide.

Sa Mega Manila, nakapagtala ng 39.4 points ang Lie to Me. Ang Mega Manila ay bumubuo ng 58 percent ng total television households nationwide.

Nagsimula ang kuwento sa pagpapanggap ng mga bida na sina Kenneth at Angela na sila ay mag-asawa. Sa umpisa, sila ay parang aso’t pu­sa kung mag-away, ngunit unti-unting nahulog ang loob sa isa’t isa.

Ano na kaya ang mangyayari ngayong nagkakagustuhan na sila? Tototohanin na ba nila ang kanilang “fake marriage” o may hahadlang sa kanilang namumuong pagtitinginan?

Alamin sa Lie to Me tuwing Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng One True Love sa GMA Telebabad.

Show comments