At dahil prosti siya, expected na ang umaatikabong loves cene niya sa mga ka-partner except sa bidang si JM de Guzman na passionate lang at hindi wild.
Pero sa iba as in - - g style na kahit siya ay nagulat nang gawin niya sa dalawa pa niyang ka-partner.
Pero nasarapan siya sa halik ng Kapamilya aktor kahit passionate lang ang kanilang ginawa bilang babad naman ang kanilang halikan.
Kuwento ang Intoy Syokoy ni Intoy na mula pagkabata’y atat na sa katropang si Doray (LJ) sa Kalye Marino, Cavite City, ang dating American Naval Base sa Sangley Point.
Parehong napurdoy bilang panghabambuhay na epekto ng pag-alis ng mga Amerikanong marino sa nasabing naval base, naging pinakamagaling na magtatahong ng Kalye Marino si Intoy na sa simula’y walang reklamo sa kanilang kahirapan, habang si Doray ay naging mumurahing pokpok na pumapayag sa usapang palit-isda sa mga mangingisdang kapareho nilang isang kahig, isang tuka ang pamumuhay.
Nang lumaon, natutong magpundar ng sariling tahungan si Intoy para maangkin si Doray, hindi lang sa isang gabi kundi panghabambuhay.
Ano’ng gagawin ni Intoy kung magsabi si Doray na dadalawin siya sa kanyang kubo para pagbigyan ang kanyang matagal nang nag-aapoy na pagnanasa, pero biglang nagbiro ang tadhana sa kanyang tahungan?
Mamamaalam na ba sila sa pagtatahong/pagpuputa o sa isa’t isa? O sabay ba nilang iiwan ang Kalye Marino?
Hiniling nina Boy Abunda, Boy So, at Robert Bernardo, mga producer nung casting pa lang na sana’y mga magagaling at, hangga’t maaari, mga premyadong aktor (taga-mainstream man o indie filmmaking) ang bumuo sa cast ng Intoy… Kaya naman, buong ingat ang pagkapili kina: JM, LJ, Joross Gamboa, Arnold Reyes, Kristoffer King, Kenneth Salva, Roy Alvarez, Richard Quan, Angelie Bayani, Angela Ruiz,Justin de Leon, Ricky Pascua, Redgie Jimenez, at Jacob Miller.
Ito ay grand prize winning short story sa 2001 Palanca ni Eros S. Atalia sa direksiyon ni Lem Lorca mula sa script ni Jerry B. Gracio, para sa 2012 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival New Breed Section. Gaganapin ang gala premiere sa Main Theater ng Cultural Center of the Philippines (Tanghalang Nicanor Abelardo) sa Sabado, Hulyo 21, 6:15 ng gabi. May screenings ito sa iba’t ibang venue sa CCP, sa Greenbelt 3 Cinemas 3 at 5, at Trinoma, mula Hulyo 20-29.
Bagong yugto sa buhay pamilya ni Angelito, umpisa na
Speaking of JM, grabe ang mga eksena niya sa Intoy… Bilang magtatahong, kailangan niyang sumi-sid. Eh ‘di ba ang dirty ng tubig, sama-sama lahat ng klase ng basura.
Pero hindi ‘yun ininda ni JM. Tiniis niya pero aminado siyang nandidiri rin siya.
Imagine nga naman pati ebs ng tao, puwede niyang matikman habang sumisisid. Ewww.
Anyway, bukod sa Intoy… magsisimula na rin sa Lunes ang pagbabalik sa ere ng pinagbibidahan niyang afternoon drama na Angelito : Ang Bagong Yugto.
Ang pamilyang kanyang pinangarap ngayo’y kapiling na niya ngunit paano niya tatanggapin sa kanyang buhay ang isa pang pamilyang inilihim sa kanya? Hanggang saan ang isasakripisyo niya bilang ama?
Kasama pa rin ni JM sina Charee Pineda bilang Rosalie at Kaye Abad bilang Jenny. Nagbabalik-drama naman at papasok sa istorya si John Prats bilang si Raffy, isang lalaking minsan nang nawala kay Jenny ngunit ngayon ay determinado nang makuha siya.
Nagsimula na nga ang panibagong yugto sa buhay ni Angelito sa pagpapakasal nito kay Rosalie para ganap na silang maging magkabiyak sa mata ng Diyos. Masaya nilang bubuuin ang pamilya Santos at itataguyod ang anak na si Jun-Jun.
Pero tila hindi nagtatapos ang hamon sa buhay ni Angelito, na minsan nang pinatunayan ang tibay ng loob at paninindigan nang maging batang ama, dahil muling magbabalik si Jenny sa kanyang buhay dala ang isang matinding rebelasyon.
Lingid pala sa kanyang kaalaman ay nabuntis niya si Jenny nang minsang bumigay sila sa bugso ng damdamin. Maging si Jenny ay napag-alaman ang pagdadalang tao ng makarating na ito sa Singapore kung saan plano niyang magsimula muli.
Naging mahirap ang sitwasyon para kay Jenny ngunit buti na lang at nakatagpo niya sa ibang bansa ang kababatang si Raffy na matagal nang may pagtingin sa kanya. Nang malaman ang sitwasyon ng childhood sweetheart ay mangangahas na aakuin ng binata ang responsibilidad sa sanggol.
Maayos na si Jenny sa ganitong kalagayan at wala nang balak guluhin ang matiwasay ng buhay ni Angelito ngunit isang kaganapan ang mag-uudyok sa kanyang ibunyag ang katotohanan.
Naku masalimuot.
Watch natin Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng It’s Showtime sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.