Malapit nang mag-expire ang kontrata ng aktres sa isang TV network. Wala nang plano ang aktres na mag-renew ng kontrata dahil nakakundisyon na ang isip niya na mag-oober da bakod siya sa ibang TV station.
Malaki ang paniniwala ng aktres na magiging malaki ang tsansa niya na sumikat kung lilipat siya sa TV network na kanyang pinupuntirya.
Kalye Marino popular a Cavite
Co-producer si Boy Abunda ng Intoy Syokoy ng Kalye Marino, ang pelikula na official entry sa New Breed Category ng 2012 Cinemalaya Independent Film Festival.
Drama movie ang Intoy Syokoy, hindi bold o fantasy movie. Starring sa Intoy Syokoy si JM de Guzman at siya ang gumaganap na Intoy Syokoy sa pelikula na tinatampukan din nina Joross Gamboa, LJ Reyes, Arnold Reyes, at Kenneth Salva.
Pitong araw na kinunan sa Kalye Marino ang Intoy Syokoy. Popular na lugar sa Cavite ang Kalye Marino. Dapat panoorin ang Intoy Syokoy para malaman ng mga tao kung bakit sikat na sikat na lugar ang Kalye Marino.
16 finalists ng Artista Academy ibinibitin pa
Hindi pa makikilala sa Juy 30 ang 16 finalists ng Artista Academy, ang talent search show ng TV5.
Magsisimula sa July 30 ang Artista Academy pero ang libu-libong applicants muna ang ipapakita. Sila ang mahigit sa dalawang libong aspiring stars na sumugod noong June 19 sa Smart Araneta Coliseum.
Napili na ang labing-anim na finalists na papasok sa Asian Academy of Television na itinatag ng TV executive na si Wilma Galvante. Sina Joel Lamangan, Georcelle Sy, at Louie Ocampo ang magiging mga adviser ng mga bagets na nakapasa sa audition ng Artista Academy.
May mga nagtatanong sa akin kung kasali sa 16 finalists ang mga kapatid nina Gerald Anderson at Aljur Abrenica.
Wala ako sa lugar para sabihin ang tumpak na kasagutan. Abangan n’yo na lamang ang pagsisimula ng Artista Academy sa July 30 para masagot ang inyong mga katanungan.
Basta ang alam ko, magaling maglaro ng basketball ang kapatid ni Gerald na Kenneth ang pangalan. Kasali siya sa mga naglaro sa exhibition game sa Boys Town noong nakaraang Sabado.
Nag-celebrate ng 40th birthday sa Boys Town si Congressman Sonny Angara na naglaro ng basketball.
Naging kakampi ng congressman ang mga bagets ng Boys Town at nakalaban nila ang grupo ng magkapatid na Gerald at Kenneth. Nag-win sa laro ang team ng Boys Town at ni Rep. Sonny. Tinalo nila ang mga kalaban na artista.
Singer-actor na-witness ang stem cell therapy sa nanay ni Boy Abunda
Si Arnold Reyes ang singer/actor na kasama nina Boy Abunda at Bong Quintana sa Germany.
Ikinuwento ni Arnold sa presscon ng Intoy Syokoy na na-witness niya ang stem cell therapy sa nanay ni Kuya Boy pero hindi niya sinubukan ang procedure dahil mahal.
Hindi kami nagpang-abot ng grupo ni Kuya Boy sa Villa Medica. Si Arnold ang nagkuwento sa presscon ng Intoy Syokoy tungkol sa kagandahan ng Villa Medica at sa mahabang karayom na itinuturok sa mga pasyente ng stem cell therapy
Marami ang nagulat nang malaman nila na buntis si Laguna Board Member Angelica Jones.
Bihira kasi na makita sa mga showbiz function si Angelica kaya news para sa ibang tao ang kanyang pagbubuntis.
August 2011 pa nang maging visible si Angelica sa TV at ito ang panahon na nasangkot siya sa “tuko” issue.
Marami na ang nangyari between August 2011 and July 2012. Malaki na ang tiyan ni Angelica nang pumunta ito sa burol ni Dolphy para makiramay. Hindi naman itinatago ni Angelica ang kanyang kalagayan or else, hindi siya magpapakita sa burol ni Mang Dolphy dahil alam niya na maraming TV crew ang nakabantay sa The Heritage Park.
Interesado ang fans ni Angelica na makilala ang fadir ng baby na kanyang ipinagbubuntis. Gusto nila na makilala ang masuwerteng mhin na nagmamay-ari ngayon sa puso ni Bokal Jones.