MANILA, Philippines - Nabunyag na ang katotohanan, nasabi na ang masakit na mga salita pero may isa pang dapat gawin ang unang asawa at pinagtaksilang si Yvonne - ang harapin ang kerida ni Victor na si Janine. Ikinasa na nga ni Yvonne ang naiibang pagtitipon na tinawag niyang divorce party para ihayag sa publiko ang paghihiwalay nila ng landas ng asawa. Mismong ang karibal na si Janine ang kinuha niya para mag-ayos sa mga bulaklak sa pagdadausan ng party. Wala namang malay si Janine na si Yvonne ang nag-order sa kanya dahil sa bago nitong anyo lalo na sa sa kumprontasyon at kahihiyang naghihintay sa kanya sa gabing iyon. Ito ang paghaharap na hindi mo dapat palampasin sa Two Wives ngayong Biyernes (July 20), 10:00 a.m. bago ang Be Careful with My Heart
sa ABS-CBN.