MANILA, Philippines - Bibitaw na si Henry (Bembol Roco) sa illegal ventures nila ni Carlos (Raymond Bagatsing).
Gustuhin man magalit ang humingi ng paliwanag na lalake, may mas pressing na bagay namang babagabag sa kanya—dahil tatawagan siya ng school ni Elize (Louise delos Reyes) dahil sa isang problema sa pagpapatuloy ng One True Love na napapanood sa GMA 7 gabi-gabi.
Takot na aamin si Elize kay Carlos na pakiramdam niya ay may mali sa kanyang memorya.
Samantala, patuloy naman ang pagtulak ni Dyna (Ana Capri) kay Tisoy (Alden Richards) na madaliin ang pag-aaral nito. Naniniwala ang guro na matalino ang binata inspite of his dyslexia, ang kailangan lang niya ay maniwala rin si Tisoy dito.
Magsusumbong si Tory (Lucho Ayala) kay Ellen (Jean Garcia) sa mga ginagawa ni Elize sa school. Iisipin nitong nagloloko lang ang dalaga, at sasabihan pang dahil ‘yun kay Tisoy - na siya namang lalong ikagagalit ni Ellen.
At maging si Leila (Agot Isidro) ay hindi maniniwala na may mali nga kay Elize. Pero hindi pa rin maalis sa dalaga ang pag-aalala para sa sarili.
Magkakasagutan naman sina Carlos at Ellen tungkol sa pagsumbong ng huli sa mga pulis. Sasabihan ni Carlos si Ellen na ano man ang gawin nito, hindi nito mababawi ang anak. At kapag bumagsak si Carlos, pati si Elize ay madadamay. Ipapamukha pa ni Carlos kay Ellen na hindi ito seseryosohin ni Henry, na parausan lang ito.
Mababahala naman si Yaya Brittany (Tiya Pusit) sa mga dinaramdam ni Elize. Iisipin nito na nagtatampo ang dalaga kay Leila, at kakausapin nitong muli ang alaga para pagsabihan. Ipagtatanggol naman ni Leila ang sarili, sasabihin na walang karapatan si Elize na magreklamo dahil totoo naman ang sinabi niya dito - na isa rin itong sampid at ampon tulad ni Marla (Winwyn Marquez), na siya ring maririnig ni Marla!
Mag-aalala naman si Tisoy kay Elize nang hindi ito magpakita sa kanilang normal na tagpuan. At nang magpakita nang muli si Elize, magugulat si Tisoy nang hindi ito makilala ng dalaga!