Natenggang movie nina Regine at Aga, finally nagsyu-shooting na uli

SEEN: Nag-Thanksgiving Party kagabi ang cast at crew ng Lorenzo’s Time ng AB-0S-CBN dahil sa mataas na rating ng kanilang primetime show.

SCENE: Mag-uumpisa sa Lunes, July 23, ang airing ng Protégé, ang talent search show ng GMA 7.

SEEN: May special participation sa The Healing sina Joel Torre, Ana Capri, Mercedes Cabral, at Jhong Hilario. Ang The Healing ang pelikula ni Vilma Santos sa Star Cinema na ipalalabas sa mga sinehan sa July 25.

SCENE: Award presenter sa nakaraang Yahoo! OMG Awards ang Anna Banana sensation na si Derek Lorenzo.

Ang Anna Banana ang popular TV ad ng PLDT myDSL.

SEEN: “Maraming salamat sa ’yong paggising,” ang putol na bati ni Bianca Gonzales kay Dolphy, Jr. nang mag-guest ito kahapon sa Umagang Kay Ganda.

SCENE: May Thanksgiving Party din ang Walang Hanggan cast and crew dahil sa tagumpay ng kanilang primetime show.

Ginanap noong Lunes sa The Gallery ang pasasalamat ng show.

SEEN: Isinabay sa Thanksgiving Party ng Walang Hanggan ang advance birthday celebration ni Susan Roces. Turning 71 years old sa July 28 si Susan.

SCENE: Nag-resume na ang shooting ng Of All the Things, ang long-delayed movie project nina Regine Velasquez at Aga Muhlach sa Viva Films.

Ilang taon na ring nakatengga ang nasabing pelikula ng dalawa.

Show comments