MANILA, Philippines - Simula Hulyo 25, ihahatid ng Sun Life Financial sa pamamagitan ng Sun Shorts (digital film showcase) ang mga kuwento tungkol sa pagmamahal, pag-asa, pagkakaibigan, at kahalagaan ng pagiging laging handa. Gamit ang Internet, madaling maibabahagi sa mga manonood ang aral at kasiyahan na bumubuo sa koleksiyon.
Ang proyektong Sun Shorts ay isang kolaborasyon ng Sun Life Financial-Philippines at limang direktor na nagbigay buhay sa mensaheng “life’s brighter under the sun.”
Pinangungunahan ng beteranong producer-storyteller na si Jun Reyes (The Last Journey of Ninoy, Crying Ladies) ang digital film showcase. Sa 1945 ay masusubukan ang tibay ng pag-ibig na walang hanggan, at pagharap ng bagong umaga matapos ang hirap at pighati.
Isang award-winning director ng TV commercials naman ang magpapakita ng kamusmusang bihag ng isang kasakitan. Si Jolly Feliciano ay maghahatid ng pag-asa galing sa mata ng isang bata sa Life in a Day.
Halong komedya at katatakutan ang hatid ni Chris Martinez (Kimmy Dora, Here Comes the Bride, 100) sa Oh My Goth! Mapaghahalo kaya ang malas ng superstition at suwerte ng isang napaghandaang kinabukasan sa tadhana ng dalawang karakter na magkaiba ang paniniwala?
Maaksiyong habulan dahil sa pagkakautang ang The Debt mula kay Nic Reyes, na hasa ang galing sa TV commercials at music videos. Pero higit pa sa pagbabayad-utang, tinutumbok ng pelikula ang pagiging responsable sa pera at pagkilala sa gandang dulot ng life insurance.
Kumukumpleto sa line-up ay ang multi-disciplinary artist na si Jerrold Tarog (Senior Year, Aswang, Nino, Shake Rattle & Roll 12 and 13). Sa Sun Dance, sasamahan niya ang tatlong dalaga sa kanilang pagsayaw sa mga saya’t hagupit ng buhay at kung paano magdamayan ang tunay na magkakaibigan.
“Pag-asa at katuparan ng mga pangarap ang nasa puso ng Sun Shorts. At inilagay namin ito sa digital platform, sa Internet, para matunghayan ng mas maraming Pilipino,” sabi ni Mylene Lopa, chief marketing officer ng Sun Life.
Ang proyektong ito ay isang technological breakthrough mula sa una at pinakamatagal na life insurer sa bansa na nagpasimula rin ng una at natatanging financial literacy advocacy na binansagang It’s Time!
“Katuwang ng aming misyon na tulungan ang mga Pilipino na makamit ang kanilang financial goals. Nais din namin na alalayan sila sa pagtupad ng kanilang mga pangarap. Nawa’y ang Sun Shorts ay maghahatid ng mas maliwanag at maaliwalas na pananaw sa kanilang buhay,” ayon kay Riza Mantaring, president at chief executive officer ng Sun Life.
Isang promosyon din ang kasabay na inilunsad ng Sun Life Financial, ang Sun Shorts Fly to Great America! Pagkatapos manood ng Sun Shorts online, mag-like at mag-post ng comment para makasali.