^

PSN Showbiz

Nahirapan nang mag-dedmahan sa loob ng bahay... Celebrity couple nagkanya-kanya na ng buhay!

RATED A - Aster Amoyo - The Philippine Star

Marunong magdala ng kanilang problema ang celebrity couple na ito kahit hiwalay na sila. Matagal-tagal na ring napapabalita na shaky ang pagsasama ng dalawa pero ngayon ay tuluyan na silang naghiwalay ng tirahan.

For several years ay nanatiling nasa iisang bubong ang mag-asawa hanggang sa mag-desisyon na silang tuluyan nang magkanya-kanya ng buhay.

Pinilit ng celebrity couple na i-save ang kanilang relasyon alang-alang sa kanilang mga anak pero mas mahirap tumira sa isang bubong na kasama ang kanilang mga anak na wala nang pansinan at kanya-kanya na rin sila ng lakad. Hindi lamang silang mag-asawa ang nahirapan kundi lalo na ang kanilang mga anak kaya nag-desisyon silang maghiwalay na ng tuluyan.

FPJ at Dolphy magkikita na

Isa ang PAMI (Professional Artists Mana­gers, Inc.) sa nag-sponsor ng mass sa limang araw na lamay ni Tito Dolphy. Dinaluhan ng officers and members ng organisasyon ang pamisa ng samahan ng mga talent managers na pinamumunuan ng Viva executive at talent manager na si June Rufino kasama ang kanilang talents sa Heritage Memorial Park kung saan ibinurol at inihatid sa huling hantungan ang Comedy King na si Dolphy.  

Nakangiti at parang natutulog lamang si Tito Dolphy sa loob ng kanyang napakagandang casket na binili niya in 1977 at sa kanyang paboritong white suit with red tie.

Tiyak na masaya na ngayon si Tito Dolphy sa kanyang kinaroroonan dahil bukod sa walang hanggang kapayapaan, kapiling na niya ang kanyang mga magulang at ibang kaanak, ganun din ang kanyang mga kaibigan na nauna sa kanya tulad ng Action King na si Fernando Poe, Jr. at amang si Fernando Poe, Sr..

Ang mahigit anim na dekada ng pagpapatawa at inilagi ng Comedy King sa showbiz ay mananatili sa kasayasayan ng industriya ng sining.

Gov. Vilma tatlong taon namahinga

Sampung taon din ang binilang bago muling nagkatrabahong muli sina Direk Chito Roño at ang Star For All Seasons at Batangas two-term Gov. Vilma Santos sa kauna-unahang suspense-horror movie na The Healing na tampok din sina Kim Chiu, Janice de Belen, Mark Girl, Pokwang, Martin del Rosario, Allan Paule, Cris Villanueva, Daria Ramirez, Ces Quesada, Ynez Vaneracion, Simon Ibarra, Abi Bautista, Joel Torre, Chinggoy Alonso, Mon Confiado, at Carmi Martin. Huling nagkasama sina Direk Chito at Vi in 2002 sa pelikulang Dekada 70.

Ayon kay Vi, siya ang personal na humiling kay Direk Chito na bigyan siya ng suspense-horror ang tema dahil hindi pa siya nakakagawa nito at na-inspire siya nang kanyang mapanood ng Feng Shui na dinirek din ni Chito.

Ang The Healing ay first movie ni Vi in three years matapos niyang gawin ang hit movie na In My Life kung saan niya kasama ang kanyang anak na si Luis Manzano at John Lloyd Cruz.

Japan produ confident sa concert nina Sarah at Robin

Si Robin Padilla ang special guest ni Sarah Geronimo sa two-day concert na gaganapin sa Japan on Sept. 22-23 na ipo-produce ng aming kaibigang si Luisa de Leon ng World Com.

Very confident si Luisa na muling mapupuno ng mga Filipino sa Japan ang two-day Japan concert ni Sarah na gaganapin sa Nagoya at Tokyo. Si Luisa ang nag-produce ng sold-out concert ni Sarah sa Japan a couple of years ago at maging kay Vice Ganda.

vuukle comment

ABI BAUTISTA

ACTION KING

ALLAN PAULE

ANG THE HEALING

CARMI MARTIN

COMEDY KING

DIREK CHITO

DOLPHY

FERNANDO POE

TITO DOLPHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with