^

PSN Showbiz

Dragon Ball Z Kai aarangkada

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Simula Hulyo 16, matutunghayan na ang pinaka bagong season ng isa sa pinakapaboritong anime ng mga bata at anime lovers, ang Dragon Ball Z Kai. Mapapanood na ito Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng One Piece.

Sa kuwento, muling malalagay sa panganib ang planetang Earth sa pagdating ng mga kakaibang nilalang na dala ay kaguluhan. Isang tao lang ang may angking lakas para ipagtanggol ang buong sangkatauhan, si Goku. 

Ngunit, isang taon na ang nakalipas at hindi pa rin ito nakakabalik mula sa laban kay Frieza. Napabalita pang naka-survive si Frieza sa laban nito kay Goku at lalo pa itong lumakas dahil ginawa siyang cyborg ng kanyang amang si King Cold. 

Si Frieza ay patungo sa planetang Earth para maghigante kay Goku. Magtitipon-tipon ang lahat ng Z Fighters para depensahan ang planeta kahit alam ng mga ito na hindi nila kakayanin ang angking lakas at kapangyarihan ni Frieza at ni King Cold. 

Nang dumating na si Frieza, King Cold at ang mga sundalo nito sa Earth, sumalubong sa kanila ang isang misteryosong binata na may hawak na espada at sinasabi nitong siya ang papatay sa kanila.

Sino ang misteryosong binata na humahamon kay Frieza at King Cold? Magwawagi kaya ang misteryosong binata at ang mga Z Fighters sa laban?

vuukle comment

BIYERNES

DRAGON BALL Z KAI

FRIEZA

GOKU

ISANG

KING COLD

ONE PIECE

SI FRIEZA

SIMULA HULYO

Z FIGHTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with