Ogie at Bitoy makikipagsabayan sa EB Babes

Manila, Philippines - Hatid nina Pareng Bitoy at Pareng Ogie ang katatawanan, kuwentuhan at kantahan sa Pare & Pare sa Linggo ng gabi!

Ipapakita nila na kaya nilang makipagsabayan sa EB Babes sa opening song number ng Moves Like Jagger ng Maroon 5. Kikilitiin din nila tayo sa mga sumisikat na viral photos ng hunky, blonde superhero na si Thor. Sino ba ang mga nakiki-ride sa kanyang kasikatan?

Sa Sabi-Sabi Po naman ay kanilang papasadahan ang mga tanong ng Kapuso viewers na nahanapan naman ng kasagutan sa tweets ng mga celebrities mula kay Nadia Montenegro hanggang kay Alessandra de Rossi.

Isang simpleng pamamaalam naman ang ibibigay ng ng dalawang komedyante sa namayapang King of Comedy, Dolphy.

Sina Barako Mama at Barako Papa naman ay patuloy na magbibigay ng tips para sa mga nangangailangang magpalit ng nasirang doorknob sa Barako Tips.

Ang hunky Kapuso Heartthrob na si Dingdong Dantes naman ang uupo sa Pare & Pare hot seat. Pero ang kanyang makakaharap ay dalawang kakaibang lady superheroes – si Fishabelle at si Byerna. Ano ang kanilang mga maanghang na tanong kay Dingdong tungkol sa love, leading ladies at daga?

Sino naman kaya ang manalo sa kanilang Dingdong Pingpong game? Ang maiiniting ulong si Byerna o ang cool and cute na si Dingdong?

Bago sila mag-jamming kasama si Dingdong sa kantang Payphone ipapa­kita naman nila ang isang eksena sa loob ng elevator kung saan ginulat ng mga sexy EB Babes ang Kapuso leading man. Ano kaya ang kanyang gagawin?

Alamin kung anong mga nakakatuwang eksena ang gagawin nina Pareng Bitoy at Pareng Ogie ngayong Linggo ng gabi sa GMA Sunday Grande, pagkatapos ng Pinoy Adventures. 

Show comments