Original romantic balladeers hahataw na naman

MANILA, Philippines - Ang isa sa pinaka-successful at matagal nang entertaining show sa local showbiz, ang The Greatest Hits, ay magtatampok muli ng malalaking balladeers ng dekada 70 at 80. Abangan ang big hits nina Hajji Alejandro, Marco Sison, at Rico J. Puno sa produksiyon ng Viva Concerts and Events sa Newport Performing Arts Theater of Resorts World Manila starring sa Aug. 3:00 p.m.

Si Rico J. na kilala bilang Total Entertainer ay malaking parte sa nabuong Manila Sound nung ’70s. Siya ang boses sa likod ng Kapalaran, Buhat, Damdamin, Sorry Pwede Ba, Together Forever, Lupa, May Bukas Pa, Macho Guwapito, Ang Tao’y Marupok, Ganyan Pala Ang Magmahal, at iba pa. Hanggang ngayon ay in demand pa rin ang singer hanggang abroad.

Tinaguriang Kilabot ng mga Kolehiyala naman si Hajji nang magsimula ang career bilang isa mga bokalista ng Circus Band. Nang mag-solo nung 1976 ay pinasikat niya ang Panakip Butas at Tag-araw. Nasundan pa ito ng May Minamahal, Nakapagtataka, Ang Lahat ng Ito’y Para sa ’Yo, at ang sinulat ni Ryan Cayabyab na Kay Ganda ng Ating Musika, ang unang nanalo sa Metro Manila Popular Song Festival nung 1978.

Si Marco naman ang original na Romantic Balladeer na nanalo sa talent show ng Student Canteen. Sa kanya galing ang mga kantang Make Believe, My Love Will See You Through, Always, I’ll Face Tomorrow, Mahal, Ibigay Mo Sa Akin ang Bukas, at Si Aida, Si Lorna, at Si Fe.

Ang mga tiket sa The Greatest Hits ay mabibili na sa Resorts World Manila box office (908-8888), Viva Concerts (687-7236), at Ticketworld (891-9999). May VIP (P3,500), Premiere Left/Right (P3,500), Deluxe Left/Right (P3,000); Balcony Center, Left/Right (P2,500), at Upper Balcony (P2,500) na mapagpipiliang mga upuan.

Show comments