MANILA, Philippines - Dahil sa layuning makatulong sa industriya ng pelikulang Pilipino, ilulunsad na ng Quezon City Film Development Commission (QCFDC), sa ilalim nina Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Ma. Josefina G. Belmote, ang QCinema: 1st Quezon City Film Festival.
Ang filmfest ay kauna-unahang proyekto ng QCFDC para mapabuti at maengganyo pa ang lagay ng filmmaking sa mga nasasakupan sa Quezon City.
Para sa flagship project, magbibigay ang komite sa tatlong (3) mapipiling independent film projects ng grant na P800,000 bawat isa. Kailangan lamang na kahit isa sa mga bubuo ng pelikula ay mapapatunayang residente ng lungsod ng QC bago lumahok sa kumpetisyon.
Ang mga entry ay maaaring isumite hanggang July 31. Ang mga interesado ay maaaring makipag-ugnayan sa Facebook page ng QCFDC o tumawag sa 444-7272 loc. 8208 at hanapin si Giana Barata para sa contest mechanics, application form, at iba pang kailangang dokumento.
Kapag kumpleto na ang mga form na ipapadala kasama ang film script, may soft at hard copy, ay saka i-e-mail sa qcinema.filmfest@gmail.com o dalhin mismo sa Office of the Vice Mayor, 2/F Legislative Wing Building, Quezon City Hall.