Network war biglang nakalimutan sa tribute kay Comedy King

Ang gandang tingnan na nagbalik sa ABS-CBN sina Maricel Soriano at Nova Villa para sa necrological ser­vices cum tribute kay Dolphy sa Dolphy Theater. Tama ba kami na wala sa roon sina Sharon Cuneta, Aga Muhlach, at Roderick Paulate?

Sina Sharon at Aga ay nasa TV5 na at si Roderick ay nasa GMA 7 pero welcome yata ang lahat last Wednesday at kinalimutan nga muna ang network war. Present ang mga taga-TV5, GMA 7, at iba pang network sa necrological/tribute para sa Comedy King.

Dennis nagsalita na sa break up nila ni Bianca

Parehong wala sa bansa ang mag-syotang sina Dennis Trillo at Bianca King. Ang una ay nasa Dubai para sa isang show at apat na araw siya roon. Ang huli ay sa Edmonton, Canada para bisitahin ang parents bago sumabak sa taping ng Luna Blanca, pero itinanggi ni Dennis ang tsismis na break na sila.

Medyo nagulat pa ang aktor nang makausap namin sa presscon ng Ang Katiwala nang matanong tungkol sa breakup diumano nila ni Bianca.

“Masaya pa rin kami, smooth ang relationship namin, tahimik at ’di controversial. Ganoon ang gusto ko, kaya iniiwasan namin ang controversy. Ang last relationship ko was too controversial, now mas tahimik,” reaksiyon ni Dennis.

Natuwa si Dennis sa sinabi naming pino-promote ni Bianca sa Twitter account nito ang Ang Katiwala at ang girlfriend ang unang nag-post ng poster na kung titingnang mabuti, may silhouette ni Pres. Manuel L. Quezon sa background.

Isa pang ikinatuwa ni Dennis ay ang sinabi ni Direk Aloy Adlawan na sinulat niya ang Ang Katiwala with him in mind dahil alam na magagampanan niya ng maganda ang role ni Ruben na naging caretaker sa bahay ng important perso­nality na saka lang niya nalaman nang ma-interview siya sa TV.

 “Very mysterious” ang description ni Denis sa movie na entry sa New Breed Full-Length Feature sa Cinemalaya.

Sa July 25, 6:15 p.m., ang gala night nito sa Cultural Center of the Philippines Main Theater.

“Ang challenge sa akin ay ’yung tahimik ang karakter ko at happy ako na ako ang napili ni Direk Aloy na mag-portray sa sabi niya ay tailormade role for me.”

Bida rin si Dennis sa pelikulang Sapi ni Brillante Mendoza, kung saan, actual na sinasapian ang kukunan. TV director ang role niya at on call ang shooting dahil kung saan may sinasapian, saka sila magsyu-shooting.

Sa August na kukunan ang movie at kinakabahan si Dennis sa first time niya kay Director Brillante.

Camille inile-level kay Amy Austria

Nahiya si Camille Prats na ini-level siya ni Direk Dominic Zapata kay Amy Austria sa husay niyang gumanap sa role ni Rowena sa Luna Blanca.

“Hindi ko pa yata kaya si Amy, ibang level na ’yun pero salamat,” reaction ni Camille.

Sa pangalawang yugto ng Luna Blanca, na magsisimula sa Monday, pa­ta­tan­dain siya, paiitimin, babaguhin ang boses at magiging lasengga pa at iiyak nang iiyak. Negative ang aura niya sa soap, kabaligtaran sa aura niya sa presscon na masaya at maganda ang ayos. Nilinaw nito na hindi dahil sa tsismis sa kanila ni Sam Milby kaya ang ganda-ganda niya that night.

“Sam and I are really good friends, we hang out dahil friend siya ng brother ko (John Prats) at ’pag wala akong taping, binibisita namin si kuya sa taping. That time na nakita kami ni Sam, he treated me dahil birthday ko, there’s nothing romantic between us. Hindi pa ako ready makipag-date,” sabi ni Camille.  

Dawn bilib sa KAMBAL NI Bembol

First time magkasama sa pelikula ang kambal na sina Felix at Dominic Roco at nangyari ito sa Cinemalaya entry na Ang Nawawala. Bilib si Dawn Zulueta sa galing umarte ng dalawa at ihinalintulad niya ang mga ito sa amang si Bembol Roco.

Ang cute nang aminin agad ni Felix na mas magaling umarte sa kanya si Dominic.

Parehong walang love life ang kambal at nang kumustahin namin si Glaiza de Castro kay Felix, itinuro si Alcris Galura, borther ng aktres na kasama sa movie. Hindi na namin kinumusta si Maxene Magalona kay Dominic, baka ayaw nila pareho.

Debut movie ito ni Mariel Jamora na isa sa plus factor ay ang pagpi-feature ng maraming banda sa movie. Narito ang Itchyworms, Pedicab, Flying Ipis, Sandwich, Tarsius, Outerhope, Ebe Dancel, at marami pang iba.

Sa July 21, 3:30 p.m., sa Main Theater ng Cultural Center of the Philippines ang first screening ng Ang Nawawala.

Show comments