^

PSN Showbiz

Sakit na pinagdaanan ni Zsazsa ramdam na ramdam sa Through The Years

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - The Philippine Star

Isinakripisyo ko ang panonood sa aking mga favorite teleserye noong Miyerkules dahil tinutukan ko ang live coverage ng ANC sa tribute ng ABS-CBN kay Mang Dolphy.

Masahol pa sa madadramang eksena ng tele­serye ang napanood ko sa tribute kay Mang Dolphy dahil naluha talaga ako.

Gusto kong sabihin na “I hate you Zsazsa Padilla” dahil pinaiyak niya ako nang todo nang kantahin niya ang aking favorite song na Through The Years. Cry me a river ang drama ko dahil feel na feel ko ang lyrics ng acapella song ni Zsa Zsa.

Eh favorite ko rin ang Lift Up Your Hands ni Basil Valdez na kinanta nito sa tribute. Pinigil ko ang sarili ko na mapaluha habang kinakanta ni Basil ang isa sa favorite songs ko pero tuluyan akong bumigay sa eulogy at kanta ni Zsazsa.

May Ipod ako na palagi kong pinakikinggan kapag nasa sasakyan ako. Dahil sobrang favorite ko ang Through The Years at Lift Up Your Hands, ang mga ito ang paulit-ulit ko na pinakikinggan sa aking Ipod. Naloka nga ang nag-load ng mga kanta sa Ipod ko dahil magkakasunod sa playlist ko ang mga nasa­bing kanta.

Mahaba ang tribute para kay Mang Dolphy pero hindi ako nainip sa panonood. Ang feeling ko, nasa loob din ako ng Dolphy Theater dahil ramdam na ramdam ko ang pagluluksa ng lahat ng mga nagmamahal kay Mang Dolphy.

Naalaala ko tuloy nang mamatay ang nanay ko dahil personal na nakiramay sa akin si Mang Dolphy.

Ibinurol si Madir sa Funeraria Paz sa Quezon City. May matandang kasabihan na bawal ihatid sa pintuan ng mga namatayan ang mga nakiramay pero iba ang nangyari sa amin ni Mang Dolphy.

Nang magpaalam siya sa akin, ibinulong niya na sundan ko siya. Hala, sumunod naman ako nang sumunod hanggang makarating kami sa main entrance ng Funeraria Paz.

Sinabi ko talaga kay Mang Dolphy na bawal mag­hatid sa mga nakiramay pero ang sey niya, nahihiya raw siya na makita ng ibang tao na may iniaabot siya sa akin na abuloy.

Siyempre, bigla kong dinedma ang matandang pamahiin nang iabot sa akin ni Mang Dolphy ang datung.

Sa totoo lang, sino ba ang nagpauso ng matandang paniniwala na ‘yon ng mga Pilipino? Hindi fair ‘ha?

Eddie Gutierrez insecure kay dolphy

Agree ako sa kuwento ni Manay Ichu Maceda na kinaiinggitan si Mang Dolphy ng mga aktor na mas guwapo sa kanya dahil siya ang natitipuhan ng mga babae sa mga lugar na pinupuntahan nila.

Iba kasi ang humor ni Mang Dolphy kaya mabilis ma-in love sa kanya ang mga babae. Ang sey nga ni Manay Ichu, takang-taka si Eddie Gutierrez dahil mas guwapo ito kay Mang Dolphy pero ang Comedy King ang pinagkakaguluhan ng mga babae sa out of town shows noon ng mga artista ng Sampaguita Pictures.

Ang PAMI at ang Sampaguita Pictures ang in charge ngayong gabi sa pamisa para kay Mang Dolphy sa Heritage Park.

Ang TV5 ang punong-abala kagabi sa misa at necrological services kaya present ang mga contract star, ang big boss ng TV5, si Papa Manny Pangilinan at ang mga executive ng huling TV network na pinaglingkuran ni Mang Dolphy.

AKO

DAHIL

DOLPHY

EDDIE GUTIERREZ

FUNERARIA PAZ

KAY

LIFT UP YOUR HANDS

MANG

MANG DOLPHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with