Sarah L. parang sanay na sanay na sa grabeng halikan
O mga girls, this is your chance na magparamdam kay Richard Gutierrez. Hiwalay na raw ito sa kanyang modelong girlfriend.
Magmadali na kayo bago pa kayo maunahan ni Sarah Labahti na balitang close kay Chard ngayon.
Mukhang more than expected ang mga love at kissing scenes nila sa kabilang ginagawang serye. Pati nanay daw ni Sarah ay nagalit dahil kitang-kita niyang tinotoo ng dalawa ang mga romantikong eksena nila.
Pero huwag kayong magugulat dahil hindi pa nagkakaroon si Sarah ng bf, pero parang sanay na sanay na siyang makipag-kissing scene, huh!
Reunion Ng Angkan Natuloy Pa Rin
Hindi lamang ang buong showbiz ang nagluluksa sa pagkamatay ng Hari ng Komedi na si Dolphy, kundi ang buong bansa. Kahit matagal na itong naka-confine sa ospital ay nabigla pa rin ang lahat sa kanyang pagkamatay, ni hindi na ito umabot sa kanyang kaarawan sa July 25 na kung saan ay 84 years old na sana siya.
Hindi na rin matutuloy ang balak ng pamilya na magkaroon ng reunion bagaman at ang pagkakaospital nito at ang pagdating ng mga anak niya from abroad ay para na ring isang reunion.
Kung tayo ay mami-miss natin si Dolphy, ang kanyang pamilya pa kaya ang hindi? Nakikiramay ako sa kanyang mga inulila.
Xian ayaw pilitin si Kim
Kung hindi pa nag-birthday si Xian Lim ay hindi pa natin malalaman na talagang walang romansa na namamagitan sa kanila ni Kim Chiu. Friends lang talaga sila at makuntento na tayo rito. Kesa naman magpanggap sila na magkarelasyon gayung hindi naman pala totoo.
Bakit naman kasi pinipilit natin na maging sila. Oo nga at may chemistry sila sa screen pero, hindi sapat itong batayan para maging 100% silang happy kapag naging sila.
Kaya hayaan na natin silang makatagpo ng talagang mamahalin nila at magmamahal sa kanila.
Maging masaya na tayo sa pagiging masaya nila as friends. Huwag na tayong humirit pa!
- Latest