Bibiyahe sa Germany kasama si Ruffa, Annabelle magpapakondisyon sa kampanya kaya magpapa-stem cell therapy

Tuloy na ang stem cell therapy ni Annabelle Rama dahil naka-schedule na siyang pumunta sa Germany sa first week ng September.

Kasama ni Annabelle sa Germany trip ang kanyang anak na si Ruffa Gutierrez. Hindi ako sure kung may plano rin si Ruffa na magpa-stem cell therapy dahil walang age limit ang procedure na pinag-uusapan na ngayon sa apat na sulok ng showbiz.

Tinutukso si Annabelle Rama na may kinalaman sa kanyang pagkandidato sa Cebu ang desisyon niya na sumailalim sa stem cell therapy.

Tumawa lang si Bisaya na mukhang seryoso na sa pagkandidato bilang kon­g­resista ng North Cebu sa eleksiyon sa susunod na taon.

Binibiro si Bisaya na magpapa-stem cell therapy siya para kundisyon na kun­disyon ang katawan niya habang nangangam­panya sa North Cebu.

Ayaw kumpirmahin ni Bisaya ang po­litical plans niya. Hintayin na lamang daw ng mga tao ang kanyang bonggang announcement sa October.

Asawa ni Jose nag-iba ng abogado matapos matalo

How true na iba na raw ang lawyers ni Analyn Manalo kaya tumanggi nang magsalita ang kanyang mga dating abogado?

Si Analyn ang kontrobersiyal na dyowa ni Jose Manalo. Ilang buwan nang nasa news ang mag-asawa dahil sa kanilang paghihiwalay.

News noong weekend na natalo si Analyn sa kaso na isinampa niya laban kay Jose.

May mga nag-try na interbyuhin ang mga legal counsel ni Analyn pero hindi sila nagsalita dahil iba na raw ang mga abogado ng misis ng komedyante.

Happy birthday Chaye at Pinky!

Kahapon ang birthday surprise para kay Chaye Cabal-Revilla sa penthouse ng Imperial Palace Suites.

Invited ako ni Jun Lalin pero hindi ako nakapunta dahil mas pinili ko na magpahinga at matulog bilang ito na yata ang epekto sa akin ng stem cell therapy na dinagdagan pa ng jet lag.

Looking forward pa naman ako sa pagkikita namin ni Chaye dahil interesado siya na marinig ang mga kuwento ko tungkol sa stem cell therapy. Happy birthday Mama Chaye!

Siyempre, hindi ko puwedeng makalimutan ang birthday ngayon ng aking another friend, si Pinky Tobiano.

Si Mama Pinky ang nag-produce ng inspirational CD ni Lorna Tolentino na ni-release noon ng Star Records.

Every year, ang mga senior citizen ng Golden Acres ang kapiling ni Pinky tuwing birthday nito at kahapon, may-I-treat niya uli ang mga lolo at lola.

Umapir ako last year sa birthday treat ni Mama Pinky sa mga resident ng Golden Acres pero hindi na ako umulit dahil na-depress ako sa mga eksena na na-sight ko. Nakakalokang isipin na kaedad ko lang ang ibang mga nakatira sa Golden Acres.

Show comments