First shooting day this Tuesday ni Kris Aquino ng pelikulang Undo nila ni Piolo Pascual. Nakaka-relate raw siya sa tema ng pelikula at sa script ni Mia Concio na iniyakan niya habang binabasa. Balik-trabaho sila rito ni Chito Ro?o na sabi ni Kris, ang post-productions ay aabutin ng four months kaya kahit post-Valentine ang playdate, sisimulan na nila ang shooting ngayon pa lang.
Stages ng annulment process ang ipapakita sa Undo at kuwento ni Kris, by chapter ikukuwento ang story ng pelikula. Si Piolo ang magpa-file ng annulment at lalabas siyang ina ng 14 at 11 year-old teenagers.
Busy na ang schedule ni Kris, magiging busy pa ‘pag nag-resume ng taping ng Kailangan Ko’y Ikaw na si Bb. Joyce Bernal na ang director. Gagawin din nila ni Vice Ganda ang entry ng Star Cinema at Viva Films sa MMFF entitled Sisteraka.
‘Girl’ ni Dennis nagbebenta ng condo
Bongga itong si Althea Vega, ang leading lady ni Dennis Trillo sa Cinemalaya entry na Ang Katiwala dahil ‘pag walang pelikula, isa siyang Senior Account Manager ng Century Properties na branded properties kung kanyang tawagin. Nakabenta na siya ng three units at may unit na rin siya sa isa sa mga property ng Century Properties.
Nangangarap siyang magkaroon ng unit sa Trumps Tower na 2016 magiging operational, pero sobrang mahal ng bawat unit. Smile ang sagot nito sa tanong namin kung mas malaki ang kinikita niya bilang SAM kesa tf sa showbiz.
Gustong gumawa ng mainstream movie at mapasama sa mga teleserye ni Althea, wala lang daw offer. Sa indie films at international movie siya mabili dahil bukod sa Ang Katiwala, kasama rin siya sa Diablo, isa pang Cinemalaya entry at lead actress sa Metro Manila opposite Jake Macapagal sa direction ng Oscar-nominated na si Sean Ellis.
How is it working with Dennis?
“Tahimik lang siya, maiksi lang ang pagsasama namin, pero nagkakuwentuhan din at ang usapan tungkol sa hobbies at sports. Nalaman niyang mahilig ako sa sports at pareho kaming nagba-boxing.”
Sa July 25, 6:15 p.m., ang Gala Night ng Ang Katiwala sa Main Theater ng CCP. Sa direction ni Aloy Adlawan, entry ito sa New Breed category.
PROTÉGÉ WINNER BIBIGYAN DIN NG KOTSE
Pinipili na ng mentors ng Protégé: The Battle for the Big Artista Break ang pumasa sa audition nila para isama sa Top 20 na ipi-present sa Gala Night sa August 5 hosted by Dingdong Dantes.
Sa Top 20 na papasok, dalawa ang winners (male and female) na mananalo ng tig-P6 million each kasama ang P1 million cash, may condo, may contract at winu-workout na may kasamang sasakyan sa maiuuwi.
Magsisimula ang Inside Protégé sa July 23, after One True Love, 15 minutes ito hosted by Jennylyn Mercado sa direction ni Albert Langitan. Ang Gala Night ay sa direction ni Rommel Gacho at pagkatapos ng Kap’s Amazing Stories ang airing at gagawin sa Studio 7 ng GMA 7.
Barbie wala nang alam kay Joshua
Nakita namin si Barbie Forteza sa GMA Network at kinumusta namin sa kanya ang ka-love team na si Joshua Dionisio. Nalungkot kami sa sagot nitong “ewan ko” dahil ibig sabihin, hindi sila nagkikita at wala na silang communication. Wala ring comment ang young actress sa isyung aalis na sa GMA 7 ang ka-love team.
Ibinalita ni Barbie na tuluy-tuloy na ang taping nila ni Bea Binene para sa Luna Blanca dahil sila ang gaganap na mga dalagitang Luna at Blanca. Sa July 16, papasok ang mga karakter nila at kundi kami nagkakamali, two months sila lalabas bago palitan nina Heart Evangelista at Bianca King.