Precious Lara limang buwan nang buntis, mahigit isang taon na ring kasal sa Canada
PIK: Nakalabas din agad ng St. Luke’s Hospital si Jolina Magdangal pagkatapos itong isinugod doon nang natapilok sa stage ng Party Pilipinas nung Linggo ng tanghali.
Tumama pa ang lower back nito nang bumagsak siya kaya kaagad na dinala sa ospital para matingnan ito.
Hindi na tuloy siya nakapag-Party Pilipinas at hindi na rin siya natuloy sa final selection ng Protégé: The Battle of Biggest Artista Break.
Nanghinayang lang si Jolens dahil kasali sana siya sa opening ng Party Pilipinas at may mga ilan pa siyang production number na ni-rehearse niya nang husto, na hindi na niya nagawa.
PAK: Sumama pala ang loob ni Jackie Rice sa sinabi ni Sam Pinto na tipong may laban na ang iba sa mga Sexiest Women ng FHM sa susunod na taon dahil hindi na niya kakaririn.
“Nung una, na-hurt ako. Lahat naman may chance ’di ba? Nagulat lang ako na ganun pala ang eksaktong sinabi niya. Pero sagot niya ’yun eh. No comment na lang ako.
“Hindi lang naman para sa akin iyon kundi sa iba pang artista kasi ginawa naman namin ang best namin dun,” pahayag ng young actress.
BOOM: Magli-limang buwang buntis na pala si Precious Lara Quigaman at iyon ang sorpresa nila sa kanilang pag-iisang dibdib na ginanap sa Hacienda Isabela sa Tagaytay City nung Linggo ng hapon.
Nung January 1, 2011 o 1-11-11 pala ay nagpakasal na sila sa Canada kaya mahigit isang taon na pala silang mag-asawa.
Sa November ang due ni Lara at isang baby boy ang iluluwal nito na papangalanan nilang Noah.
- Latest