Manila, Philippines - Bubuhaying muli ang makulay na panahon ng dekada 80 sa concert party sa TV ng ’80s Party Pilipinas.
Pakinggan ang style ng mga diva sa big hits ni Michael Jackson at ang porma ng boys ng Party Pilipinas sa tunog ng Spandau Ballet, Wham, Duran Duran, at marami pang iba.
Hindi magpapahuli ang Sayaw Pilipinas: Keso Boys para sa Menudo; The Sexy Girls para kay Madonna; at Juliemo (Julie Anne San Jose at Elmo Magalona) para naman sa mga influential tandem ng ’80s era.
Ngayong Linggo rin ipaparinig ni Julie Anne ang kanyang unang solo album.
Samantala, isang special number naman ang handog ni Jennylyn Mercado para ipakilala rin ang bago niyang afternoon prime soap Hindi Ka na Mag-iisa.
May Rock of Aegis naman ang ibang set ng Party Pilipinas performers.
Abangan ang kanilang super treat ngayong Linggo, July 8, sa ’80s Party Pilipinas sa GMA 7.