Albie hindi welcome sa birthday ng anak ni Andi

Manila, Philippines -  Tama lang na hindi imbitahin ni Andi Eigenman si Albie Casiño sa first birthday ng kanyang anak na si Elle (Adrianna Gab­rielle Eigenman).

Hindi pa naman nito ina-aknowledge ang pagiging ama niya sa bata na ayon kay Andi ay lumalaking nakuha ang ilong at mata ng kanyang  ama.

“I think hindi naman ganun kakapal ang mukha niya para gustuhing ma-gatecrash sa birthday ng anak ko.

Hindi ma-a-appreciate ng mga iimbitahin ko na ang karamihan ay miyembro ng pamilya at mga kaibigan ko ang presence niya,” sabi ng batang ina na mapapanood sa isang bagong serye ng Dos, ang Kahit Puso’y Masugatan ka­sama ang bagong Kapamilyang sina Iza Calzado, Gabby Concepcion Jake Cuenca at ang ina niyang si Jacklyn Jose.

Sinabi niyang bagaman at batid niya ang estado ng kanyang ina bilang isang artista hindi siya natatakot o intimidated na makasama ito sa isang proyekto.

Coco biglang naging bar tender

For a while, mga siyam na linggo kung tutuusin, ay mawawala ang atensiyon ng mga manonood ng phe­­­­nomenal series na Walang Hanggan ng ABS-CBN sa problema ng mag-inang Emily (Dawn Zu­lueta) at Da­niel (Coco Martin) na nag-a-adjust pa sa biglang pagba­ba­go ng kanilang ka­­­buhayan dahil na­na­kaw ang kanilang yaman in broad daylight o sa mas ma­iin­tindihang sa­lita ay nawala nang na­ka­ha­rap sila at ‘di nila namamalayan.

Ang dating ma­­­yamang mag-ina ay na­ma­ma­sukan na lamang ngayon bilang isang bar­­­tender at assistant ma­n­ager ng isang restoran na malayo man sa ma­tagal na kinagisnan nilang ma­ta­as na es­tado sa lipunan ay nagbibigay naman sa kanila ng magandang pag­­ka­ka­ta­on na makakain ng tatlong beses mag­­hapon kasama si Lola Hen­ya (Su­san Roces) at ilang matatapat na tao sa kanilang na-bankrupt na kumpanya.

Pero sa susunod na linggo ay papasok na ang character ni Black Lily na gagampanan ni Eula Valdez. Hindi ipinaglilihim ng mga taong nasa likod ng serye na isa itong kontrabida, pero ka­ni­no, kay Emily ba o kay Daniel? Isang malaking sikreto ito ng serye na mabibilad lamang sa siyam na linggong itatagal ni Black Lily sa kuwento.

Bagaman at walang kinalaman ang matagum­pay niyang pagkakaganap ng role dati ni Amor Po­­wers sa isa pa ring matagumpay na serye ng Ka­pa­milya Network, ang pagiging isang mahu­say na aktres ni Eula at ang makatotohanang pag­ga­nap niya ng role na kontrabida ay hindi naka­lig­­tas sa pan­sin ng mga bossing ng Dos. 

Kaya ka­­hit hindi pa man siya nakakahinga ng husto sa pag­­tatapos ng kanyang seryeng Mundo Man

Ay Magunaw ay kinuha na agad siya para gampa­nan si Black Lily.

Kahit huli na siyang pumasok sa Walang Hanggan, ipinangako ni Eula na hindi siya papayag na hin­­di maramdaman ng manonood ang kanyang presence.

Show comments