^

PSN Showbiz

Itataon sa 85th birthday ng Comedy King, pamilya ni Dolphy may reunion sa hospital

- Veronica R. Samio - The Philippine Star

Habang nalalapit ang ika-85 kaarawan ng Hari ng Komedya na si Dolphy sa July 25, lalo lamang sumisidhi ang pagnanais ng pamilya niya’t mga kaibigan na kundi man siya makalabas ng ospital ay mailipat na siya sa isang kuwarto na hindi nasa intensive care unit (ICU). Gusto na talaga nila siyang makapiling.

Pero kahit maalis si Dolphy sa ICU ay hindi pa siya makakatanggap ng mga bisita dahil pa­ba­lik-balik ang kanyang pneumonia, madali siya ma­pasahan ng virus. Kahit tumutugon na ang kanyang katawan sa mga ibinibigay sa kanyang treatment, kritikal pa rin ang kalagayan ng komedyante. Nagbabalak ang kanyang pamilya na magkaroon sila ng reunion sa mismong kaarawan nito.

Dranreb Belleza gusto na uling mag-artista

May ilang panahon na ring nakakabalik ng bansa ang dating sexy star na si Divina Valencia. Bago sa ABS-CBN ay napapanood na siya sa ilang programa ng GMA 7. Pero ngayon ay kasama siya sa cast ng prime tanghali teleserye ng Kapamilya Network na nagtatampok sa bagong tambalan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap o mas kilala sa kanyang naging role sa My Binondo Girl na Papa Chen. Ito ang Please Be Careful With My Heart.

Masayang namumuhay sa Amerika ang da­ting sexy star pero na-miss niya ang kanyang dating trabaho. Malalaki na ang kanyang mga anak at may mga pamilya na kaya nagdesisyon siyang mag-artistang muli.

Kasama niyang bumalik ng bansa ang kanyang asawa na pumupunta ng iba’t ibang mga lugar para ipamahagi ang mga salita ng Diyos. Kasama nilang namumuhay dito ang dalawa nilang anak na may sari-sarili na ring pamilya.

Kasama rin nila ang dating child star na si Dranreb Belleza na gusto ring gumaya sa kanyang ina na magbalik-showbiz. Pero pinayuhan siya ng ina na magpapayat muna dahil mas mataba pa ito sa ina. May naiwang tatlong anak sa US si Divina. Anim lahat ang apo nito sa kanyang mga anak. May pamil­ya na rin ang dating That’s Entertainment member na si Dranreb.

Huling lumabas sa ABS-CBN si Divina nung bago pa nag-martial law. Sa Please Be Careful With My Heart, ginagampanan niya ang role ng ina ni Sylvia Sanchez. Bingi ang character niya, apo niya sina Jodi at Aiza Seguerra. May apo siya sa tuhod, ang anak na lalaki ng kanyang apong si Aiza na gumaganap naman ng mother role sa unang pagkakataon.

Palabas na ang Please Be Careful With My Heart sa Lunes, July 9, bago mag-It’s Showtime.

Tween stars li-level up sa aktingan

After Bea Binene na nakatrayanggulo niya sa Alice Bungisngis and Her Wonder Walis kasama ang ka-love team ni Bea na si Jake Vargas, aapak naman si Derrick Monasterio sa teritoryo ni Jo­shua Dionisio sa pagpapareha nila ni Barbie Forteza sa Luna Blanca na kung saan ay lalaki na ang mga characters nina Luna at Blanca na ginagampanan nina Mona Louise Rey at Jillian Ward at papasok na sina Barbie at Bea bilang mga dalagitang Luna at Blanca.

Mas mature ang mga role na gagampanan ng mga dating taga-Tween Hearts, lalo na ng dalawang first time magpapareha. Hindi naman sila nag-aalala dahil bago naman ang Luna Blanca ay nasanay na silang magkasama kahit hindi sila ang magkapareha. Tungkol naman sa pag-mature ng kanilang roles, inihanda na ng network ang dalawa sa pag-a-undergo sa kanila sa mga acting workshops.

Paghihirap sa Walang Hanggan pinatatagal

Sana hindi magawa ng Walang Hanggan ang mga hindi mapapatawad na kamalian na ginagawa ng maraming writers sa mga ini-extend na teleser­ye.

Hindi pa lumalabas ang character na gagampanan ni Eula Valdez pero napakaraming viewers na ang naiinip at ayaw nang patagalin pa ang paghihirap nina Emily (Dawn Zulueta) at Marco (Richard Gomez), at nina Daniel (Coco Martin) at Katerina (Julia Montes).

Sa pagpapahaba ng serye, marami ang natatakot para kay Doña Margaret (Helen Gamboa) dahil palala nang palala na ang kanyang pagiging masama. Afraid ang mga tagasuybaybay niya na baka hindi na siya makaahon.

Marami sa nai-extend na serye go from good to bad, from bad to worse. Ito ang ayaw mangyari ng maraming manonood sa umeereng serye na masasabing isa o pinakamaganda sa mga napapanood sa TV dahil lamang sa nagkaroon ito ng extension.

DRANREB BELLEZA

KANYANG

KASAMA

LUNA BLANCA

PERO

PLEASE BE CAREFUL WITH MY HEART

SIYA

WALANG HANGGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with