^

PSN Showbiz

Ruffa gagamitin ang pagka-artista sa kawanggawa

RATED A - Aster Amoyo - The Philippine Star

Ayaw na ni Ruffa Gutierrez na pag-usapan pa ang kanyang  pagre-resign sa Paparazzi showbiz talk-show ng TV5 dahil nagpalabas na siya ng official statement hinggil dito at mas gusto pa niyang pag-usapan ang mga positibong bagay tulad ng kanyang re-launching ng kanyang website na iloveruffag.com at Roof-A-Child Foundation na pansamantalang natigil nang siya’y mag-asawa at manirahan sa ibang bansa.

Taong 1998 nang i-launch ni Ruffa ang Roof-A-Child Foundation.  Aminado ang panganay nina Eddie Gutierrez at Annabelle Raman na pursigido siyang ipagpatuloy ang magagandang adhikain ng foundation para makatulong sa less fortunate children na inabandona ng kanilang mga magulang o ‘di kaya may mga kapansanan.

 “I’m re-launching the foundation because I wanted to give it a fresh new start, new projects, new logo, new thrust for the foundation. I would like to use my celebrity status in making a difference in people’s lives,” ani Ruffa na lalo lamang gumaganda habang tumatagal.

Samantala, sinabi  ni Ruffa na come November this year ay ready na naman umano siyang buksan ang kanyang puso sa bagong pag-ibig. Bakit kaya after November pa in particular, Salve A?

Kring-Kring hataw ang mga negosyo

Dumoble kung hindi man triple ang rami ng tao na dumayo sa taunang Sangyaw Festival na dinaraos sa bisperas ng kapistahan ng Tacloban City - June 30. Sa paanyaya ng mag-asawang Mayor Alfred at Councilor Cristina `Kring-Kring’ Gonzales-Romualdez, muli kaming dumayo sa Tacloban City along with other entertainment writers para muling saksihan ang kakaibang fiesta celebration ng siyudad. 

Ang kaibahan ng festival parade sa taong ito ay ginawa itong Parade of Lights na binuo ng 20 lighted floats na pinangunahan ng isang galleon kung saan naroon ang Patron Saint ng Tacloban, ang Mahal na Sto. Niño na sinundan ng iba’t ibang naggagandahang floats ng bulaklak, butanding, dolphins, giant turtles, bee and ladybug, apples, butterflies, mushrooms, San Juanico Bridge, World War II tank, Chinese pagoda, train, airplane, at iba pa. 

Sa isang float ay nakasakay ang 2012 Miss Tacloban at mga runners-up, mag-isa ang nakababatang kapatid ni dating Unang Ginang Imelda Romualdez-Marcos at dating mayor ng Tacloban at ama ni Mayor Alfred Romauladez na si G. Bejo Romualdez na nakasakay sa isang war jeepney habang magkakasama naman sa isang float sina Sen. Bongbong Marcos, Rep. Martin Romualdez, si dating Congresswoman Cynthia Villar at ang mag-asawang Mayor Alfred at Councilor Cristina `Kring-Kring’ Romualdez at dalawa nilang anak na sina Sofia at Diana at magkakasama rin sa isang float ang mga Kapuso stars na pinangunahan ni Maxene Magalona. Si Raymond Gutierrez ang nag-host sa Miss Tacloban night kung saan guest din si Dennis Trillo.

Feeling namin, Salve A. ay dumayo kami ng Las Vegas o ‘di kaya ng Rio de Janiero para lamang saksihan ang very colorful Sangyaw Festival Parade of Lights na pinangasiwaan mismo ni G. Gogoy Avelino (uncle ni Paulo Avelino) na siyang tumayong project director.

Hindi mahulugang-karayom ang kapal ng tao kaya naging mabagal ang daloy ng parada na umabot ng halos apat na oras.

Kahit dalawang araw lamang kami sa Tacloban, napakasaya ng aming tropa, ang dami naming napuntahan at napasyalan.

Looking forward kami parati sa next Sangyaw Festival ng Tacloban City.

Kung dinarayo ang Patio Victoria ni Kring-Kring na isang restaurant at events place sa may Port Area, Intramuros, ganoon din ang kanyang bagong bukas na Patio Victoria sa Balauarte, Tacloban na nasa beach front at napakaganda ng location. Napakalakas din ng kanyang Cristina’s Salon and Spa sa may Romauldez Avenue (main branch) at sa loob ng Robinson’s mall kaya kami man ay nagtataka kung papaano nababalanse lahat ni Kring-Kring ang kanyang oras sa kanyang pamilya, public service at negosyo.

“Kapag mahal mo at ini-enjoy mo ang ginagawa mo, walang imposible plus the fact that I have a very loving, supportive and understanding husband and our lovely children,” pahayag ng Tacloban City First Lady.

Ang maganda pa kay Kring-Kring, hindi siya tulad ng ibang asawa ng mga mayor na suplada at mahirap lapitan kaya mahal na mahal siya ng mga Taclobanons.

KANYANG

KRING

KRING-KRING

MISS TACLOBAN

PATIO VICTORIA

ROOF-A-CHILD FOUNDATION

TACLOBAN

TACLOBAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with