Nakapag-move on na ang aktres mula sa break-up nila ng kanyang BF. Nakakapag-kuwento na ito sa mga close sa kanya sa mga paghihirap na dinanas niya noong karelasyon pa niya ang aktor.
Minsan pala, ‘pag dumadalaw siya sa pad ng aktor, nakakakita siya ng used condom sa trash bin, pero ‘pag tinanong niya ang aktor tungkol doon, kung anu-anong pambobola at kasinungalingan ang sinasabi. Dahil mahal ang aktor, tinatanggap ng aktres ang alibi nito, ngayong wala na sila, saka na-realize ng aktres ang pagpapakatanga niya dahil sa pag-ibig.
Kilalang babaero ang aktor at alam ito ng aktres, pero dahil mahal, naging bulag at bingi ito sa shortcomings ng aktor. Pasalamat ang aktor dahil hanggang ngayon, never ginawang public ng aktres ang mga pinagdaanan niya noong on pa sila.
Geoff ngayon lang nakakausap ng matagal ang ama
Hindi na nenenerbiyos ng husto si Geoff Eigenmann ‘pag may eksena sa Kasalanan Ba Ang Ibigin Ka na magkasama sila ng amang si Michael de Mesa. Hindi na naulit ang binuking ni direk Mark Reyes na napasuntok si Geoff sa pader sa sobrang nerbiyos, the first time na magka-eksena sila ng ama.
Five weeks nang umeere ang Kasalanan Bang Ibigin Ka? What’s the best thing of working with his dad?
“Seeing his different side and our time spent together. Ngayon lang uli kami nagkasama ng matagal and we’ve got to talk things na never naming pinag-uusapan dati. He gives me ideas sa career, sa life and everything, marami akong natututunan. Masaya!,” wika ni Geoff.
Masaya si Geoff sa schedule ng taping niya sa soap dahil pareho sila ng schedule ng nobyang si Carla Abellana kaya may time sila together at hindi naaapektuhan ang kani-kanilang trabaho.
Tinawanan lang ni Rita Avila ang tsismis na kaya siya inalis sa Walang Hanggan ay dahil nahihirapan na siyang mag-memorize ng lines. Magtanong na lang daw sa staff ang mga naniniwala sa tsimis para malaman ang totoo.
Wala rin kinalaman ang nawalang earrings sa taping para siya’y umalis dahil naayos na ang isyung ‘yun. For health reasons ang pag-alis niya at pinayuhan siya ng doctor na mag-rest dahil lumalala ang sakit niya sa bone at spine na ‘kundi maaagapan, baka ma-paralyze siya.
Hindi alam ng tao na may time na bigla na lang dumurugo ang ilong niya at sumasakit ang neck niya. Inaayos ng isang American chiropractor ang deperensiya niya at nagti-theraphy siya. In the meantime, hindi muna siya puwedeng magtrabaho. It gives her time na tapusin ang second book niyang Si Erik Tutpik at Si Ana Taba na inspired sa real experiences nila ng asawang si direk Erik Reyes.
Tungkol sa bullying ang libro at marami ang matututunan ng parents at mga batang makakabasa nito. Ang book cover ay ginaya sa hitsura ni Mimay, isa sa mga favorite dolls ni Rita. Nag-iimbita si Rita sa book launching sa July 21 sa St. Paul’s Publishing sa #7708 St. Paul Road, San Antonio Village, Makati City.
Very proud kay Rita ang husband niyang si direk Erik Reyes, siya raw ang writer, pero si Rita ang nakapagsulat ng libro. Second book na ito ng aktres, nauna niyang sinulat ang 8 Ways to Comfort with Grace after pumanaw ang baby nilang si Jesu.
Relasyon nina KC at Rhian pino-problema ng GMA
Masaya sina KC Montero at Rhian Ramos sa pag-amin nila sa kanilang relasyon dahil libre na silang makakakilos at hindi na kailangan pang magtago. Pero alam kaya ng dalawa na pino-problema ng GMA Artist Center ang kanilang ginawa?
Maraming projects na naka-line up si Rhian at hindi alam ng GMAAC kung may epekto sa career ng dalaga na malamang sila na ni KC. Parang mahirap nga namang ibenta ang sinumang makakatambal ni Rhian sa kanyang mga project kung alam na may KC na siya.
Sabagay, hindi naman yata selosong ka-“exclusively dating” si KC at hindi makikialam sa GMA 7 at GMAAC pagdating sa career ni Rhian.