Six million lang naman daw ang halaga ng apat na costume changes at each set of costume ay binubuo ng two to three parts. At bawat set ay nagkakahalaga ng US 22,000 to 30,000. So malaki nga ‘yun sa peso.
Kung sabagay, gawa ba naman ni Furne One, ang sikat na Pinoy designer na naka-base sa Dubai at may-ari ng Amato.
Teka sino nga ba si Furne One at expensive ang mga gown na gawa niya?
Nagsimula ang career ni Furne nang manalo siya sa MEGA Magazine Young Designer of the Philippines Award in 1994 kung saan ang isa sa mga nag-judge ay si Josie Natori. Nakita raw ni Natori ang potential ni Furne kaya inoperan niya ito na mag-apprentice sa kanyang New York design house. Doon nakapag-explore si Furne at tuluyan nang lumabas ang galing niya.
Taong 2002 nang magbukas ng boutique si Furne sa Dubai – Amato (beloved ang ibig sabihin) Haute Couture - kung saan nagsimula na siyang lalong mas makilala sa international fashion scene.
Hanggang i-commission siya ng Swarovski para mag-design ng glittering bridal dress na na-feature sa kanilang limited edition book, Unbridaled.
Pero hindi doon natapos ang collaboration niya sa Swarovski dahil nag-partner pa sila sa brand para mag-produce ng show-stopping collections para sa Crystalised Swarovski Elements events.
Hanggang noong 2008 napansin siya sa European fashion elite at Germany’s Next Top Model at naging special guest designer sa shows season finale with supermodel Heidi Klum.
At hindi lang ‘yan, regular pala siya sa catwalk sa international fashion weeks sa London, Dubai, Los Angeles and Miami.
Bukod kay Katy Perry, ginagawan din ng costumes ni Furne sina Jennifer Lopez, Shakira, Nicole Scherzinger, Amber Rose, and Nicki Minaj.
Grabe ha. Level up pala ang mga costumes ni Sarah.
Kung sabagay sinabi niya from the start na dream concert niya ito.
Bukod sa magastos, kakaiba raw talaga dahil mala-fantasy/fairytale-like theme na matagal na niyang gustong gawin.
So minsan lang itong mangyayari kaya siguradong excited lahat na panoorin ang concert.
Bukod sa kantahan at sayawan sa concert, hinihintay din kung aapir sa Araneta ang nali-link sa kanyang si Gerald Anderson.
Si John Lloyd Cruz, darating din kaya?
Halos sold out na raw ang tickets kaya kung hindi raw makakanood sa Sabado, sa July 21 ay puwede pa.
Aktor idini-display ang kanyang mga baril sa picture
Na-afraid naman ako sa photo na inapload ng isang actor sa Instagram (networking site). Imagine, naka-display ang mga baril niya sa picture habang nakatawa siya.
Ewan ko lang kung bago ang nasabing photo. Pero still, nakakatakot pa rin dahil baril kaya ‘yun.
Hindi lang ‘yun, meron din siyang Instagram photo na nakakasa ang mga baril na hawak ng mga kasama niya.
Kalowka.
Dating komedyanteng si Sammy Lagmay may matinding sakit, nangangailangan din ng tulong
Naalala n’yo pa ba si Sammy Lagmay? Well, bata pa ako nang napapanood ko siya sa Palibhasa Lalake at Home Along Da Riles.
Kahapon nasa radio show siya ni Vic de Leon Lima sa DZMM para manghingi ng tulong. Meron pala siyang sakit at nagda-dialysis ng twice a week.
One thousand seven hundred fifty pesos raw ang gastos ng komedyante kada session, so medyo malaki kasi aabot ng walong beses sa isang buwan.
Ang kaso wala na nga siyang regular na kita kaya nanghihingi siya ng tulong. May butas na raw ito sa leeg.
Narinig kong nangako ng tulong sina Nova Villa, dating senador Freddie Webb at ex mayor Joey Marquez.
Aktres may nakarelasyong atheist
Atheist as in walang kinikilalang Diyos ang nakarelasyon ng isang aktres. Mismong ang aktres ang natakot kaya hindi nagtagal ang relasyon nilang dalawa bilang wala ngang kinatatakutang Diyos ang nasabing non showbiz guy na kilala sa kanyang circle dahil mahusay din naman itong negosyante.
Bagay sana ang aktres at ang non showbiz guy na foreigner na isa ngang Atheist.
Bigla ko lang naalala ang tungkol sa pagiging Atheist ng naging karelasyon ng aktres nang may interbyuhing Atheist si Boy Abunda sa The Bottomline last Saturday.