Anne proud sa B movie na ginawa sa Hollywood

MANILA, Philippines - Wala nang makakapigil pa kay Anne Curtis na mas bumongga pa ang career ngayong taon. Sa katunayan, nadagdagan pa ang 27-year-old TV host-actress ng bagong titulo sa pagiging Most Beautiful Star for 2012 ng YES! Magazine.

Ginanap ang proklamasyon at press conference nung July 2 sa Eastwood Richmonde Hotel.

Sa pagdiriwang ng ika-15 taon sa showbiz ni Anne, akmang-akma ang pagnu-numero niya sa annual list ng magasin dahil “sweeter and better” ang pagpasok ng taon kay Anne.

“I just feel so blessed,” sambit ni Anne.

“It hadn’t been a smooth journey for me. There were a lot of bumps on the road. But I guess it helped that maybe people saw me grow up in this industry, so there are a lot of people who were able to relate one way or another to that, you know.”

Kasama ni Anne sa YES! Most Beautiful Stars Special ang 100 na prettiest faces sa mundo ng showbiz na may 17 categories — may beauty, ta­lent, star quality, at personality.

Taun-taon ay mahirap para sa YES! editor-in-chief na si Jo-Ann Maglipon ang magbigay ng guide at standards. Ngayon ay nasa ika-anim na sila.

Sabi pa niya, “Beauty very often eludes definition and quantification… Choosing the most beautiful among local showbiz stars is bound to be subjective.“

Samantala, tanggap ni Anne kahit B movie ang ginawa niya sa Hollywood. Katuwiran niya, ‘yun ang in thing sa Hollywood at wala silang nakikitang masama. “If you look on iTunes, mayroon na silang indie film category kasi ‘yon ang in ngayon, hipster-hipster indie film.

“Sobra akong happy that I’m part of it. I don’t even consider it like B-lister, parang luma na nga ‘yung term na ‘yon because the in thing now is indie flicks.”

Karylle nagpakita na ng kanyang asset

Patuloy na pinupuri ang Metro Magazine, ang flagship title ng ABS-CBN publishing, dahil sa kanilang suporta sa galing at husay ng mga kababaihan sa pamamagitan ng pagtatampok sa mga pinakamakikinang na bituin, mula sa mga pinakamagagaling na aktres tulad nina Bea Alonzo, Kim Chiu, Anne Curtis, Maja Salvador, Shaina Magdayao, supermom Mikee Cojuangco-Jaworski, Congresswoman Lucy Torres-Gomez, at sa mga sumusuporta sa adbokasiyang ito tulad nina Piolo Pascual at Judy Ann Santos.

Muli, ibibida ng Metro ang ganda at galing ng Pilipina sa pagtatampok sa internationally acclaimed singer-actress na si Karylle Tat­long­hari sa beauty issue ng magazine. Pinatunayan ni Karylle ang galing sa kanyang lara­ngan dahil sa mga tagumpay na natatanggap niya tulad na lamang ng kanyang nominasyon sa ginanap na 52nd Festival de Television de Monte Carlo para sa The Kitchen Musical.

“Makikilala natin ang totoong Karylle Tatlonghari at tunay na hahanga tayo sa tunay niyang ganda at bait,” ayon kay Michealle Torres, edit­or-in-chief.

Suot ang mga pinakamagagandang damit mula sa mga pinakamagagaling na designers sa bansa, ipakikita ni Karylle na ang transformation ay hindi extreme change kundi ito ay ang pag-highlight ng iyong mga best asset at pagpapakita ng tunay na ganda na nanggagaling sa pagiging komportable sa kung sino ka.

Itatampok din ng espesyal na beauty issue ang pinakahihintay na Beauty Awards kung saan pipiliin ng Metro ang mga pinakamagagaling na treatments, services, makeup, skincare at fragrance na tunay na magugustuhan ng lahat.

Magbibigay din ng mga makeup tips ang mga models-turned-makeup artists na sina Bianca Valerio at Nina Ricci Alagao; pati ang mga beauty secrets ni Ms. World 2011 First Princess na si Gwendoline Ruais.

Napapaloob naman sa fashion pages nga­yong buwan ang matador-inspired trends, ang paisley patterns na nagbibigay ng retro at exotic look, at ang toned-down approach ng Balmain sa ornamental dressing sa pamamagitan ng mga magagandang appropriations na may orna­mental influences. Ibabahagi rin dito ang mga pangyayari kasama si Ezra Santos sa likod ng Metrowear Rocks the Runway na pinagsamahan ng mga pinakamagagaling na designers sa bansa at mga rockstars tulad ng Wolfgang, Callalily, Kwjan at Rico Blanco, para sa iisang adbokasiya.

Dagdag pa rito, ibabahagi rin ang buhay ng mga taong nagtataglay ng gandang hinahangaan ng lahat – kasama ang model na si Pauline Prieto, aktor na si Albert Martinez, society figure na si Tessa Prieto-Valdes, beauty guru na si Vicky Belo, at marami pang iba.

Show comments