Batikang movie writer, proud sa TV version ng Mundo Man...

MANILA, Philippines - Labis na ipinagmamalaki ng batikang movie writer na si Salvador Royales ang TV version ng kanyang obra maestra na Mundo Man ay Magunaw na unang ipinalabas bilang pelikula na pinagbidahan ng Queen of Philippine Movies na si Susan Roces.

Ayon kay Royales, natutuwa siya sa feedback na nababasa niya tungkol sa pagganap nina Empress, Nikki Gil, Ejay Falcon, at Eula Valdes sa kanilang mga karakter sa de-kalibreng afternoon series ng ABS-CBN na humataw sa ratings kamakailan taglay ang 12.8% national TV rating.

“Magaganda ang reaksiyon ng TV viewers, here and abroad sa pagiging pampamilya ng istorya ng Mundo Man Ay Magunaw,” ani ni Royales. “Sa katunayan, ang galing ng pagkakagawa ng conflicts at confrontations, pati ako, nananabik sa mga susunod na eksena.”

Komento pa ng veteran writer, saludo siya sa husay ng cast at directors ng nasabing Kapamilya Gold teleserye. Aniya: “Nabigyang hustisya nila Eula, Empress, Tessie Tomas, at Sylvia Sanchez ‘yung characters nila. Major revelation naman sina Nikki at Ejay na talaga namang nagpakitang gilas pagdating sa ibubuga nila sa pag-arte.” 

Dagdag pa ni Royales: “Kapansin-pansin din ang de-kalibreng direksiyon nina Jeffrey Jeturian at Regz del Carmen. Ang gaganda ng shots nila. Kahit sa mga simpleng eksena, maganda ang execution.”

Sa nalalapit na pagtatapos ng kuwentong pang­hapong tinutukan ng sambayanan, proud na ibi­na­hagi ni Royales ang natatanging mensahe ng Mundo Man ay Magunaw at ng mga pangunahing karakter nitong sina Sheryl (Empress), Jenny (Nikki), at Olivia (Eula). “Sa bawat pamil­ya, mahalaga na may pagkakasundo, pagmamahal, at pagbibigayan,” sabi niya. “At iwasan ang panghuhusga sa kapwa dahil baka ang taong hinahatulan mo ay ang tunay mong kadugo.” 

Samantala, magkahalong emosyon ang nadarama ng mga bida nito- masaya, dahil magtatapos ang programa na consistent top-rater at pinakapupuri ng TV viewers; ngunit malungkot, dahil mami-miss nila ang matibay na samahan ng buong cast.

Ayon kay Eula, masaya sila lagi sa set. “Very personal ang naging relationship ko with my co-actors, as in mga kuwentuhan namin tungkol na sa    aming mga pamilya,” ani ni Eula. “Very observant din ang isa’t isa, mapa-artista man o staff, kaya kung may asaran o katuwaang naganap walang nagkakapikunan.”

Blessing naman para kay Empress ang mapabilang sa kanilang teleserye. “Ang dami kong natutunan from the veteran actors na kasama ko sa show. Kahit siguro hindi ako kasama sa show, mapagmamalaki ko ito dahil sa ganda ng istorya at pagkakagawa niya,” ani ni Empress.

Para kay Nikki, mas nakilala niya ang sarili niya bilang aktres. “Marami akong natutunan hindi lang sa pag-arte kundi tungkol rin sa aking sarili. Nagpapasalamat ako na nakatrabaho ang mga senior star sa Mundo Man dahil marami silang naituro sa akin bilang artista at bilang tao,” sabi ni Nikki.

Hahanap-hanapin naman ni Ejay ang ‘paglalaro’ nila sa set. “Sa sobrang saya namin sa paggawa ng teleseryeng ito, parang naglalaro lang kami, puro tawanan at parang isang masayang pamilya kami kaya napakagaan ng trabaho.”

Kili-kili ni toni kinaiingGitan

Maraming naiinggit sa magandang kili-kili ni Toni Gonzaga. Yun pala endorser siya ng Belo Essentials Anti-Perspirant Deodorant o ang The Beauty Deo.

Nagpapaputi pala ito kili-kili sa loob lang ng pitong araw at hindi nagpapa-itim dahil walang alcohol at hypoallergenic. At ito raw ang dahilan kung bakit ang puti-puti ng kili-kili ng TV host-actress.

Kung sabagay nakakahiya naman talaga pag maitim ang kili-kili mo.

Yuckiee. Kaya maigi naman at naglabas ang Belo Essentials ng deodorant na nakakaputi.

Show comments