Ruffa gusto na ring mag-pulitika!

PIK: Sinabi ni Ruffa Gutierrez na sabbatical muna siya ngayon hanggang November pagdating sa pag-ibig. After November ay puwede na siyang magkaroon ng boyfriend pero baka ibahin niya ang standards niya. Inamin ng actress-TV host-beauty queen na mahilig kasi talaga siya sa guwapo, kaya baka this time sa iba naman. 

Naaliw kasi kami sa sagot niya kung posibleng pasukin na rin niya ang pulitika dahil sa magiging active siya uli sa pagbabalik ng kanyang Roof-A-Child Foundation. 

“Naku hindi muna, first lady na lang. Why not ’di ba?” sabi nito.

“Ako, I’m not closing my doors pagdating sa love. Ang gusto ko sa buhay, ako kasi mahilig ako sa visual eh, ’yung guwapo. Siguro iba naman. Kailangan kung sino ang gusto ni Lord, tatanggapin ko,” dagdag pa niyang pahayag.

Open naman ang Roof-A-Child Foundation niya sa mga pulitikong gustong tumulong sa kanilang constituents, basta huwag lang haluan ng pulitika ang kanyang foundation dahil ang tanging hangad lang naman niya ay makatulong.

PAK: Marami ang nagtaas ng kilay sa sinabi ni Sam Pinto tungkol sa pagkaluklok sa kanya bilang Sexiest Pinay ng FHM na sa susunod na taon ay hindi na niya kakaririn ang mag-No. 1 kaya may pagkakataon na raw ang ibang mga kalaban.

Say ng ilang vaklush, na agree rin naman kami: “’Di ba dapat ang career muna niya ang karirin bago ang pagiging number one niya sa FHM?”

Tama nga naman! Dapat siguro magbida muna siya sa isang soap o magkaroon siya ng hit na movie at higit sa lahat, karirin niya ang tama at maayos na pag-arte bago ang maging Sexiest Pinay ng isang men’s magazine.

At least may career naman at naging bida ang mga dating Sexiest Woman ng FHM gaya nina Marian Rivera, Katrina Halili, Angel Locsin, at Cristine Reyes.       

BOOM: As of presstime, wala pa ring statement ang TV5 kaugnay sa lumabas na intrigang matsutsugi na ang programa ni Sharon Cuneta. 

Pinanindigan ni Sharon na walang ganung desisyon at masaya naman ang bosses niya sa kanyang programa kahit nasa struggle pa ito na umangat ang rating.

Nagtanung-tanong kami sa ilang taga-TV5, pinabulaanan nila ang naturang balita, at hindi raw ito pinag-uusapan sa Kapatid Network.

Show comments