SEEN: Fire & Ice ang theme ng post-birthday party ni Ruffa Gutierrez sa Aracama, The Fort, Taguig City noong Sabado ng gabi.
SCENE: Ngayon ang initial telecast ng Lorenzo’s Time, ang bagong primetime show ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Zaijian Jaranilla.
SEEN: Malakas maka-Madame Auring ang hairdo ni Yeng Constantino sa ASAP kahapon.
SCENE: Hindi lumaki ang pang-eeskandalo ni Iwa Moto kay Jodi Sta. Maria dahil tumahimik ito. No talk, no mistake.
SEEN: Ang mga opinyon na sumobra ang media coverage sa kalagayan ni Dolphy.
SCENE: Magpapa-survey si Phillip Salvador sa Bulacan upang malaman niya ang saloobin ng mga Bulakenyo tungkol sa kanyang balak na pagkandidato bilang bise gobernador ng lalawigan sa 2013.
SEEN: Si AiAi delas Alas ang special guest sa concert ni Miguel Vera sa California Wok, Los Alamitos, California noong Biyernes.
Kasali sa concert ang lahat ng mga anak ni Miguel kay AiAi at ang mga anak niya sa kanyang non-showbiz wife.
SCENE: Ang TV5 ang official TV broadcaster ng 2012 London Olympics na magsisimula sa July 27 at magtatapos sa Aug.12.
SEEN: May unconfirmed report na si Regine Velasquez ang magiging host ng bagong show ng GMA 7 na ipapalit sa Showbiz Central.
SCENE: May sawa factor si Marcelino Pomoy, ang Pilipinas Got Talent 2011 winner. Dapat magpakita ng ibang talent si Marcelino kung nais niya na magtagal sa entertainment industry.