^

PSN Showbiz

Sharon pinatulan ang blind item!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - The Philippine Star

Sunud-sunod na naman ang tweets ni Sharon Cuneta hatinggabi ng Linggo. Nagulantang na naman ang Twitter world sa mga sinasabi niya. Blind item ang sinasagot kaya walang may idea kung saan niya nabasa ’yun. Heto ang ilan sa tweets niya:

“Halos lahat ng pinopost niya sa akin since last year kasinungalingan. Proof? Balikan nyo at basahin ang mga naunang posts nya about me na blind items pa pero obvious naman ako. My bosses text me all the time and we are very happy with the show. All new shows struggle in the beginning because televiewers have developed habits that you have to pray you are able to change and it takes time to get used to watching a new show regularly until it too, becomes a habit of viewers.

“Nagtatrabaho lang naman po ako, hindi ko pa sya nami-meet kaya di ko alam kung sino ang nag-uutos/nagrerequest/nagbabayad? Sa kanya para laging ako ang favorite nyang i-blind item. Ang dami na nyang nasulat na di nangyari kasi di totoo. Di ko alam kung may source siya or ang special lang ng imagination nya. Or baka dream nya maging si Ricky Lo or Dolly Ann? Sana makilala ko siya, para lang sana kilalanin nya muna ako bago nya ako siraan. Iniisip ko na lang, di ko na papatulan kasi di nya ako kilala as a person. And who knows why certain people choose to make a living or try to be famous at the expense of others?…

“Okay lang. Give the issue time and you’ll see who’s making up stories all the time. This doesn’t affect me, btw. Matagal na ako sa showbiz, I’ve been thru worse. And besides, di naman ako ang nagmumukhang katawa-tawa at masama pag lumalabas na ang totoo. Never ako pumatol sa posts nya noon pa. May mga nagtweet lang na nag-aalala sa mga naisulat nyang bago kaya nilinaw…ko. After all, this is a page for SHARONIANS. And you guys deserve to hear it from me straight. God is in control.:-)…

“Nothing can ruin my happiness with my family and friends and fans, sorry! Goodnight again for the nth time, dear tweeties! Luv you all and God bless us all!! Mwah!:-).” Sunud-sunod na tweet niya.

Ayun, nadiskubre ko na isang website pala (hindi ko alam kung anong website). Basta hindi raw showbiz ang website at kung hindi niya siguro sinagot malamang hindi na nalaman ng buong bayan ang blind item sa website.

Pero nilinaw niya sa bandang huli na: “Hep hep hep! Remember — di ako galit. Di ko sya tinweet. Di ako nakikipag-away. Di ako ‘pumapatol’ at natuto na ako!”

“Parang interview kasi artista ka – pag tinanong ka, lilinawin mo ang isyu. Yun lang naman po!” sabi niya.

Nanay ni Angeline negative sa DNA test

Negative ang resulta ng DNA test ng babaeng nagpakilala sa The Buzz na ginastusan para madiskubre kung ’yun talaga ang nanay ni Angeline Quinto.

Fifty thousand ang bayad sa pagpapa-DNA ha?

Every week ay ipinalalabas sa The Buzz ang paghahanap sa nanay ng singer na sabi ni Angeline sa babaeng pumalpak sa DNA test ay may something siyang naramdaman.

Kung sabagay baka nga naman hoping ang babae na magma-match ang DNA nila na malakas pa ang loob sa umpisa na maghamon, hindi naman pala siya.

Pagsali ni Gary sa PHILPOP pinalagan!

Pinagsama-sama ng Philippine Popular Music Festival (PhilPop) ang mga kilalang pangalan from various music genres para mag-interpret ng final 14 songs sa gaganaping big night sa July 14 sa Philippine International Convention Center (PICC).

Makakasama sa magpe-perform si Marie Digby, Mark Bautista, Duncan Ramos, Luke Mijares, at marami pang iba.

Ang mananalo sa PhilPop ay mag-uuwi ng P1 million at ang dalawang runners-up ay tatanggap ng P500,000 at P250,000, respectively. Magkakaroon din sila ng People’s Choice award sa pinaka-popular na entry na pipiliin sa pamamagitan ng texting sa 2929 for Smart and Sun subscribers.

Si Ryan Cyabyab ang executive director ng PhilPop na nagkaroon nga ng isyu kamaka­­i­la­n nang may pumalag sa inclusion ng kanta ni Gary Granada sa 14 finalists. Ang sabi, bakit daw kail­angang makasama pa sa mga finalist si Gary na isang beterano na habang ang mga kasali ay amateurs ang karamihan?

Pero hindi ’yun pinalampas ni Gary Granada. Mahaba-haba ang sagot ng paboritong singer ni P-Noy.

“’Unprofessional’ (by promoting a talent competition that will pick out 14 qualifiers with ‘one slot seemingly appearing reserved for you, in view of your endorsement) and ‘indecent’ (you refused to accommodate a starving musician like the words to your song, ‘umusog-usog ng kahit konti?’), that’s what I’m accused of by a music industry professional named Len­Dante Clarino. 

“Why did I appear in Philpop’s website endorsing the project? Because before Philpop launched the project, they asked for blurbs from people whose opinions they apparently thought would help promote the initiative. You do what little you can to help out. 

“Why did I join the contest? I actually told Ryan I may have to beg off because judging from what you hear over the radio these days, I am too old for such K-poppish stuff. Besides I stopped writing songs already since I turned 50, and limited myself to jingles and quick-buck projects. No more real writing for me, I’m in the wrong trade. I’m a dismal failure in this country. I probably hold the record for the most number of OPM songs recorded that Filipinos themselves never even once heard! 

“True-to-form optimist Ryan Cayabcab, however, dismissed it and even joked, ‘Sumali ka, idol ka nga e!’ Again, if you really care about OPM, you put your slogans to actual work. So I relented and wrote an entirely new piece, following the rules to the letter. You suggest that a slot was reserved for me? You are way off mark and completely out of tune. Mr. LenDante Clarino, you offend everyone involved in this little initiative, particularly the ones who screened the songs. But most of all, you offend me and my children. Do you have children of your own? Would they be happy to hear that their father qualified in a competition not because his work is good but because a slot is prearranged for him?

 “On the matter of giving others a chance, surely you don’t mean that if say Noel Cabangon needs materials for a new album he is making, the produ­cers should exclude senior citizens and raffle off the tracks to young songwriters in the interest of OPM. The M in OPM is Music, not Musicians. What OPM needs is not young, old, amateur or veteran musicians. What it needs is literary and musical excellence alongside cultural integrity, from wherever and whomever we can source it,” sabi ni Gary sa ipinada­lang message ng executive producer of the live and TV broadcast of the Philpop Musicfest Finals Night on July 14 na si Ms. Girlie Rodis.

AKO

ANGELINE QUINTO

BESIDES I

GARY GRANADA

LANG

NAMAN

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with