Female singer kinakapos ng hininga habang kumakanta

Na-bother ako nang mapanood ko ang pagkanta ng female singer sa isang sikat na game show.

Hirap na hirap sa pagkanta ang singer as in kinakapos ang kanyang paghinga. Malayung-malayo sa bo­ses niya noong nagsisimula siya sa showbiz dahil birit kung birit ang kanyang performance.

Nalulong sa paggamit ng illegal na droga, paninigarilyo, at pag-inom ng alak ang mga rason kaya nasira ang boses ng dating mahusay na female singer.

Inabuso niya ng husto ang boses at nalunod sa isang basong tubig kaya nilayasan siya ng boses na naging dahilan ng pagiging in demand niya noon.

Joshua nawawalan na ng career

Missing in action ang young actor na si Joshua Dionisio. Nagtatanong ang fans ni Joshua, may bagong show ba sa GMA 7 ang kanilang idol?

Hindi ko alam ang sagot kaya magtatanong ako sa GMA Artist Center dahil ito ang higit na nakakaaalam sa career path ni Joshua na hindi sumipot sa farewell at thanksgiving presscon noon ng Tween Hearts.

Ruffa sa November pa gustong magseryoso sa love life

Regalo ni Dr. Vicki Belo kay Ruffa Gutierrez ang birthday party nito na ginanap sa isang newly-opened restaurant sa The Fort, Taguig City noong Sabado.

Isa si Ruffa sa mga loyal celebrity endorser ng Belo Medical Clinic at every year, tuwing birthday niya, binibigyan siya ng party ni Dr. Belo.

Matalik na kaibigan ni Ruffa si Cristalle Henares, ang unica hija ni Mama Vicki. Si Cristalle ang punong-abala sa birthday party ng Belo Clinic para kay Ruffa kaya nakita rin siya ng mga reporter na dumalo sa relaunch ng Roof-A-Child Foundation at www.iloveruffag.com, ang website ni Ruffa.

Sa ganda at talino ni Ruffa, imposible na mawalan siya ng manliligaw pero pinaninindigan niya ang statement na ang career at mga anak muna ang kanyang focus.

Kung sakaling maging seryoso si Ruffa sa pagkakaroon ng love life, sa November pa raw at hindi sa lalong madaling panahon para hindi maging malamig ang kanyang Christmas.

Pagpapagupit na-delay dahil sa Supremo

Natuwa ako nang mapanood ko kahapon sa ASAP Rocks si Quezon City Councilor Alfred Vargas dahil nagpagupit na siya ng buhok.

Ilang linggo ko nang kinukulit si Alfred na magpagupit dahil hindi ako comfortable kapag mahaba ang kanyang buhok.

Tinapos muna ni Alfred ang shooting ng Supremo kaya na-delay ang pagpapagupit niya. Masisira kasi ang continuity ng mga eksena niya bilang Andres Bonifacio sa Supremo kung pinaigsian niya ang buhok nang hindi pa tapos ang shooting. Hindi naman puwede na magsuot siya ng wig dahil mahahalata ito.

Makulit ako sa pagsasabi sa mga alaga ko na magpagupit sila o magpalit ng hairstyle dahil sa aking paniniwala na magbabago ang takbo ng kanilang suwer­te. I should know dahil pina-practice ko ang mga ipinapayo ko sa mga alaga ko at sa ibang mga tao.

Show comments