Tom Cruise shocked na idi-diborsiyo siya ni Katie Holmes

Sad ang fans ng mag-asawang Tom Cruise at Katie Holmes dahil hiwalay na sila. Nag-file ng divorce si Katie sa New York City dahil sa “irreconcilable differences” ng kanyang megastar na asawa at ang sabi, may kinalaman ang relihiyon ni Tom sa kanilang paghihiwalay.

Gusto ni Katie na ipagkaloob sa kanya ng korte ang sole custody ni Suri, ang one and only daughter nila ni Tom.

Shocked na shocked daw si Tom sa ginawa ni Katie dahil hindi niya inaasahan na iiwanan siya ng kanyang dyowa. Magkasama pa sila sa Iceland, dalawang linggo bago nag-file ng divorce si Katie.

Ang paghihiwalay nina Tom at Katie ang biggest news ngayon sa buong mundo at marami ang hindi nagulat sa nangyari dahil bago pa man nagsimula ang kanilang relasyon, may mga hula na hindi magtatagal ang pagsasama nila.

Third wife ni Tom si Katie dahil nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon nila ng kanyang mga dating misis, sina Mimi Rogers at Nicole Kidman.

Dolphy may tsansang gumaling sa stem cell treatment

Bumubuti na ang kundisyon ni Dolphy at isa ito sa mga napag-usapan sa presscon ng Belo Medical Clinic noong Biyernes.

May mga nagtanong kay Dr. Vicki Belo kung puwede na sumailalim si Mang Dolphy sa stem cell treatment bilang sapat ang kaalaman niya sa nasabing procedure.

Marami ang naniniwala na tuluyan nang gagaling ang sakit ng Comedy King kapag sinubukan nito ang stem cell treatment.

Maganda ang explanation ni Doktora Belo tungkol sa stem cell treatment pero hindi pa allowed na bumiyahe si Mang Dolphy sa malalayong lugar. Hindi pa nga siya naililipat sa regular room mula sa intensive care unit (ICU) ng Makati Medical Center huh!

Ang Villa Medica sa Frankfurt, Germany ang pina­kamahusay sa stem cell treatment at doon dinala ni Boy Abunda ang kanyang ina. Habang binabasa ninyo ito, tapos na ang stem cell treatment kay Nanay Lesing at naglilibot na sila ni Boy sa mga simbahan sa Europe bilang pasasalamat kay God.

May mga sikat na Filipino personality na nag-try na ng stem cell treatment pero hindi ako sure kung aamin sila kaya mahirap banggitin ang mga pangalan nila.

Ara Mina nanggagalaiti sa babaeng nag-iimpluwensiya kay Cristine

The who kaya ang babae na sinasabi ni Ara Mina na bad influence sa kanyang kapatid na si Cristine Reyes?

Tumanggi si Ara na pangalanan ang babae na hindi maganda ang impluwensiya kay Cristine. Ang katauhan ng babae ang tinutuklas ngayon ng mga tao na sumusubaybay sa away ng magkapatid. Isa sa mga araw na ito, malalaman nating lahat ang name ng mystery woman dahil sa masisipag na researchers.

Chariz aligaga na sa kasal

Personal na inaasikaso ni Chariz Solomon at ng kanyang soon-to-be-husband na si Nestor Ng, Jr. ang mga kailangan para sa kanilang December wedding. Nakapili na ng simbahan na pagdarausan ng kasal sina Chariz at Nestor.

Nakipag-meeting na rin sila sa gagawa ng kanilang wedding cake at sa caterer.

Dumaan din sa mga pagsubok ang relasyon ng dalawa pero na-realize nila na sila ang para sa isa’t isa. Kilalang-kilala na ni Nestor ang ugali ng kanyang magiging misis na handa nang bumuo ng pamilya.

Show comments