Manila, Philippines - Ngayong Linggo (July 1) ng gabi, katatawanan, kuwentuhan at kantahan ang hatid nina Pareng Bitoy at Pareng Ogie sa Pare & Pare.
Lalanding sa Studio 7 stage ng Kapuso network ang dalawang wannabes na sila Nicki Manash at Nicki Manas. Hindi lang sila magpapatalbugan sa kantahan at sayawan, pati mga FHM’s sexiest, kanila ring tatarayan!
Isang senador ng bayan naman ang kanilang iimbestigahan…siya nga ba ay mayaman, may paninidigan at mabilis magsalita? No comment kaya siya sa mga maintrigang tanong tungkol kay Heart Evangelista at Kris Aquino? Sino ang best president sa kanya - si Marcos o Aquino? Alamin ang sagot ni Senator Chiz Escudero.
Sasabak din ang butihing senador sa isang matinding challenge na susukat sa kanyang pagkabarako tutulungan ni Barako Chiz sina Barako at Barako Mama sa pagbigay ng Barako Tips.
Sa Sabi-sabi Po iba’t ibang tweets ng artista naman ang kanilang hahanapan ng connection sa mga nakatutuwang signage around the world.
Sagot naman ng sikat na all-male rock band na 6 Cycle Mind ang kantahan. Rakrakan na sa kanilang hot single na Basta Ako!
Isang masayang gabi ang muling pagsaluhan kasama Pareng Bitoy at Pareng Ogie sa Pare & Pare, sa GMA Sunday Grande, pagkatapos ng Pinoy Adventures.