Love team ni Carmina at Zaijan, 'talk of the town' sa ASAP 2012

Manila, Philippines -  Tiyak na magiging talk-of-the-town ang ASAP 2012 ngayong Linggo (Hulyo 1), 12:15 p.m. dahil sa engrandeng pagbisita ng pinakabagong love team sa Primetime Bida ng ABS-CBN na sina Carmina Vil­laroel at Zaijian Jaranilla kasama ang buong cast ng upcopming teleserye ng ABS-CBN na Lo­renzo’s Time.

Sa unang araw ng Hulyo, patuloy ang pag-agos ng kilig at saya sa ASAP 2012 sa espesyal na han­dog ng Princess ang I lead stars na sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, at Khalil Ramos; sa nakakikilig na pagharana ng Kapamilya leading men na sina Piolo Pascual at Sam Milby; at sa ‘Ja­pa­nese-themed’ production number na inihanda ng Ka­pamilya leading ladies na sina Kim Chiu, Shaina Magdayao, Erich Gonzales, Maja Salvador, at Empress. 

Engrandeng hatawan at kantahan naman ang magaganap sa ASAP centerstage sa birthday bash ng Supahdancer na si Iya Villania kasama sina Gab Valenciano at Rayver Cruz; sa paggawad ng platinum award kay Christian Bautista kung saan makaka-duet niya si KC Concepcion; at sa paglunsad ng pinakabagong album ni Jovit Baldivino.

Alamin ang latest music trends mula sa Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga sa kanyang     T-Zone segment at ang pinakabagong dance moves na ipauuso ng Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 evictees na sina Tom at Yves sa Step My Step segment. 

Abangan ang makatindig-balahibong vocal act na ihahatid nina Basil Valdez, Erik Santos, Richard Poon, JM de Guzman, Juris, Paolo Valenciano, Princess Velasco, at ng ASAP Pinoy Champs.

Samantala, hindi mapapantayang world-class talent naman ang muling ipamamalas ng nag-iisang Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano sa isang makapigil-hiningang performance sa ASAP dance floor kasama ang Supahdancers na sina KC, Kim, Shaina, Maja, at John Prats.

Show comments