Magandang halimbawa ng kababawan ang ating pag-iisip ay ’yung pagwawakas sa oras ng Dahil sa Pag-ibig na kung saan hindi matatawaran ang ginagawang pag-arte nina Piolo Pascual at Jericho Rosales.
Marami ang iniintriga ang dalawa kay Coco Martin dahil na-extend ang Walang Hanggan at hindi ang Dahil sa Pag-ibig. May dahilan dito ang network at puwede pang sabihin na mas marami ang manonood ng Walang Hanggan pero huwag isisisi sa mga artista dahil maganda naman nilang nagampanan ang kanilang trabaho.
Tulad ni Maricar Reyes na nakipagsabayan kina PJ at Echo. Si Cristine Reyes din, kaya nga nasabi ko na nung una na naapektuhan ang kanyang trabaho ng away nilang magkapatid. Makipag-ayos na siya kay Ara Mina, para hindi mag-suffer ’yung next project niya.
Anne nakatikim ng pamimintas sa ginawang movie sa Hollywood
Eto na naman tayo sa ating pamimintas at pagmemenos sa ginawang pelikula ni Anne Curtis sa abroad. B movie raw ito. So what?! At least, nakagawa siya ng pelikula sa abroad. At iilan lamang na local stars ang nakakagawa nito.
Bakit ba napaka-manlalait natin? Sa halip na matuwa tayo para sa iba nating kababayan na nagkakaroon ng achievement sa ibang bansa, tayo pa ang unang-unang nanlalait sa tagumpay nila.
Kelan ba tayo matututong mag-appreciate ng effort at even small success ng ating kapatid? Kelan???