Shocking but true. Nagkakaroon ng problema ang isang showbiz family dahil sa datung. Nagtatanong na ang members ng pamilya tungkol sa datung na magegetlak nila mula sa kaban ng kanilang yaman.
Hindi muna ako magbibigay ng mga clue kung sino ang mga sangkot sa isyu. Ayoko na ako ang maging dahilan para lalong lumaki ang kontrobersiya at magkaroon ng matinding away ang lahat ng mga miyembro ng pamilya na nag-aaway dahil sa datung.
Sa totoo lang, very ugly ang isyu dahil pera ang ugat ng hidwaan.
Francine problemado pa rin sa mga kapatid
Hindi pa pala kasundo ni Francine Prieto ang kanyang mga kapatid sa ina. Alam ng lahat na pera rin ang ugat ng gap ni Francine at ng mga kapatid nito pero hindi sila ang showbiz family na subject ng blind item ko.
Tahimik nang namumuhay si Francine mula nang magkanya-kanya sila ng mga kapatid niya pero imposible na hindi nila nami-miss ang isa’t isa.
Darating ang araw na magkakasundo rin si Francine at ang kanyang mga kapatid dahil magkakaroon sila ng realization na blood is thicker than water. Na hindi nila matitiis ang isa’t isa.
Annabelle sa Cebu nagdemanda para pahirapan si Nadia
Ngayon daw ang balik ni Annabelle Rama mula sa Cebu City, two days matapos ang pagsasampa niya ng mga libel case sa Cebu City Prosecutor’s Office laban kina Amalia Fuentes, Nadia Montenegro, at Chito Alcid.
Marami ang nagulat sa aksiyon na ginawa ni Bisaya, lalo pa’t nagsalita ito na handa siya na makipag-ayos kay Nadia pero ito ang nagmatigas na ituloy ang mga kaso laban sa manager ng kanyang mga anak.
Tinatanggihan ni Annabelle ang mga request na mainterbyu siya tungkol sa pagsasampa niya ng demanda sa Cebu City pero sisikapin ng Startalk na makuha ngayong hapon ang kanyang panig.
Mang Dolphy nasa ICU pa rin
Huwag ninyong kalimutan na panoorin ang Startalk dahil bukod sa Annabelle-Amalia-Nadia issue, ihahatid namin sa inyo ang latest update tungkol sa kondisyon ni Mang Dolphy.
Naka-confine pa rin ang Comedy King sa intensive care unit o ICU ng Makati Medical Center pero good news para sa lahat ang magandang progress ng kanyang kalagayan. Ipagpatuloy natin ang pagdarasal para kay Mang Dolphy.
Diana nagbunga ng award ang kalalakad sa indie film
Bagay kay Diana Zubiri ang short hair dahil lalo siyang nagmukhang bagets nang magkita kami sa GMA 7 compound.
Si Diana ang best performer ng Young Critics Circle (YCC) dahil sa acting niya sa Bahay Bata. Nang ipalabas ang pelikula sa Cinemalaya noong nakaraang taon, marami ang nag-comment na walang ginawa si Diana kundi ang maglakad nang maglakad kaya napagod sila sa panonood.
Hindi lamang ang mga nanonood ng Bahay Bata ang naka-feel ng pagod dahil sinabi rin ni Diana na napagod din siya sa paglalakad.
At least, may magandang bunga ang kanyang ginawa dahil nag-win siya ng acting award.
Ang hirap-hirap yata na manalo ng acting award mula sa YCC!