Siguradong ikalulungkot ng husto ng fans ng sikat na teen love team ang tuluyang paghihiwalay ng favorite pair nila. Ito ay kung matutuloy ang balak ng kampo ng young actor (YA) na ‘wag nang mag-renew ng kontrata ‘pag nag-expire sa home network niya ngayon.
May offer daw ang dating network ni YA, kaya babalik na lang ito doon. Iniisip din ng kampo ni YA na pinababayaan ito ng network niya ngayon dahil matagal na walang regular show at ipinareha pa sa iba ang ka-love team.
Sabi noon ni YA, mag-aaral na muna siya habang wala pang bagong project sa kanyang home network, tila nabago ang plano nito dahil ipagpapatuloy pa rin ang showbiz career, pero sa ibang network.
Nanghihinayang kami kung papayagan ng network na mawala sa kanila si YA after silang maghirap at gumastos na pasikatin ito at ang ka-love team. Pero kung si YA na ang talagang ayaw, walang magagawa ang istasyon but to let him go!
Kanta Pilipinas naudlot dahil kay Christian
Nalaman namin sa presscon ni Christian Bautista ng The Way You Look at Me: The Christian Bautista 10th Anniversary Special, airing sa July 8, sa Sunday’s Best ng ABS-CBN na siya ang kinukuha ng TV5 (at ni Marvin Agustin na rin siguro bilang ito ang line producer ng singing search) na mag-host ng Kanta Pilipinas.
Hindi natuloy ang paglipat ni Christian, kaya siguro naurong ang telecast ng Kanta Pilipinas dahil wala pang makuhang host.
Song of his life ang turing ni Christian sa The Way You Look at Me, kaya ito ang napiling title ng kanyang TV special. Bagay daw sa kanya ang lyrics ng song.
In-announce rin sa presscon ng TV special ni Christian ang five-night concert niya sa Meralco Theater sa October 6, 7, 12, 13 and 14 billed X-Class. Kung pamimiliin, gusto niyang guest sina Lea Salonga, Gary Valenciano, Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Sa international artists, sina Josh Groban, Mariah Carey, at Celine Dion.
Gagawin din nina Christian at Karylle ang ballet musical na Rama Hari sa CCP sa November at kung matutuloy, makakasama siya sa MMFF entry na El Presidente. In-offer kay Christian ang role ni Juan Luna.
Angelu balik sa ‘pananakit’
Balik-kontrabida si Angelu de Leon sa Afternoon Prime ng GMA 7 na Hindi Ka Na Mag-iisa after maging mabait sa mga nakaraan niyang soap. Walang reklamo rito ang aktres, mas mabilis daw gawin ang kontrabida kesa bida role na kadalasang ginagawa’y umiyak. For a change, makakaiwas siya sa pananakit ng lalamunan.
“Very bad” ang sabi ni Angelu sa role niya bilang si Jordana Montenegro, mother ni Saab Magalona na ang aapihin ay sina Glydel Mercado at Jennylyn Mercado. Acting na acting na ang aktres dahil one year nagpahinga’t nagsilang ng beautiful baby boy, named Rafa na four months old na.
Sa July 9, after Eat..Bulaga ang pilot ng Hindi Ka Na Mag-iisa sa direction ni Gil Tejada.
Aljur at Kylie Nagkaayos Na Naman
Nakita sa may Tomas Morato area noong isang hapon sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla, hindi lang malinaw ang pagbabalita kung saang parte ng Morato naroon ang dalawa.
Nag-uusap na pala ang dalawa dahil the last time na makausap namin si Kylie, nabanggit nitong hindi sila nag-uusap ni Aljur kahit nagkikita sila sa Party Pilipinas. Hindi napakinabangan ang relasyon nina Aljur at Kylie dahil hanggang mag-break, wala silang project together.