Parang wala na bokabularyo ni Christian Bautista ang lumipat ng network.
Pero ayaw niyang magsalita ng tapos. Basta sa kasalukuyan, maligaya siya sa takbo ng career niya sa ABS-CBN lalo na nga’t ipalalabas na sa linggo ang kanyang TV special para sa kanyang 10th anniversary sa showbiz na pinamagatang The Way You Look at Me : The Christian Bautista 10th Anniversary Special sa Sunday’s Best ng ABS-CBN.
“Sa ngayon, hindi ako lilipat. Pero of course, it’s very easy to say so anything can happen,” sabi niya.
Dati na siyang nagsabi na pag walang naibigay na magandang project sa kanya ang ABS-CBN, puwede niya itong iwan. Pero obviously naayos naman dahil heto at meron siyang TV special at napapanood siya sa Princess and I bilang ka-partner ni Gretchen Barretto.
Anyway Muling makakasama ni Christian sa nasabing TV special sa isang natatanging pagkakataon ang ilan sa mga taong naging bahagi ng kanyang career at ilang taong malapit sa kanyang puso. Makaka-duet niya ang ex-girlfriend niyang si Rachelle Ann Go; na susundan naman ng isang makatindig-balahibong performance kasama ang Pinoy music legend na si Jose Mari Chan; at ng Asian Pinoy pride treat mula sa cast ng The Kitchen Musical.
Bahagi rin ng selebrasyon ang Kapamilya stars na sina Iza Calzado, Sam Milby, Jovit Baldivino, Marcelito Pomoy, Bugoy Drilon, Khalil Ramos, at Angeline Quinto.
Samantala, abangan din ang kuwento ng personal na buhay ni Christian sa espesyal na tell-all interview sa kanya ng TV host-actress na si Carmina Villaroel.
Ano ang kanyang mga pinagdaanan bago niya naabot ang inaasam na pangarap? Paano niya hinarap ang iba’t ibang pagsubok na hatid ng kanyang kasikatan? Matapos ang 10 taon niya sa industriya ng showbiz, ano ang maituturing niyang susi sa lahat ng kanyang tagumpay?
Samantala, kung masaya si Christian sa takbo ng career niya, masaya rin ang love life niya. Open ang relasyon nila ng girlfriend niyang si Carla Dunareau na isang DJ ng FM radio at mas kilalang Carla D. Nagli-live in na ba sila, bilang nag-iisa ito sa bansa at nakikipagsapalaran para magka-career?
Say ni Christian, puwede naman silang mag-live in pero gusto niyang respetuhin ang tradition and culture.
Tungkol naman sa kasalan, sagot ni Christian : “Wala pa, step by step. Ayokong magbigay ng gear kasi if you know, you know. So, tingnan natin. Minsan, siyempre, pag nanonood kami ng movies, napapaisip kami pareho. Pero ang sabi ko naman sa kanya, I don’t wanna rush it, ayokong magkamali sa ‘yo, so let’s be progressive, huwag lang naman na parang let’s have some fun, so dapat merong progress talaga para malaman talaga.”
Direktor na naghihintay na magka-posisyon, panay na agad ang pagtataray
Nagtataray na naman daw ng wala sa lugar ang isang director. Minsan daw ay nag-attend ito ng isang conference pero imbes na magtanong ng tama sa speaker, aba tinaray-tarayan at magpaka-nega raw si Direk.
Balita pa namang may naghihintay na posisyon sa director na nega ang reputasyon.
Hindi pa siya nakaka-puwesto ng lagay na ‘yan pero nagtataray na ha. Paano na lang kung ma-appoint pa siya.
Sana nga hindi matuloy ang kanyang pagpuwesto dahil baka oras na maging member siya ng isang organization sa gobyerno na may kinalaman sa pelikula, baka mag-power trip pa siya.
Minsang nagkaroon ng issue kay Direk na hindi raw nakakabayad sa mga artistang kanyang dinirek.
Shalani puwedeng magmalaki na nagpapa-rate ng show
At least puwedeng-puwede talagang magmalaki si Shalani Soledad na simula nang tanggalin siya sa programang Wiltime, Bigtime ng TV5, bumaba ang rating nito.
Kasi nga naman, kahit anong sabihin nila tungkol sa hosting ni Mrs. Roman Romulo, may kakaiba siyang charisma at pinapanood siya ng mga tao. Eh ang kaso nga ‘di ba, tsinugi siya nang pakasalan niya si Pasig Cong. Roman Romulo.
So ngayon balitang-balitang bumaba raw ang rating ng show.
Sa Game N’Go napapanood si Shalani kasama sina Edu Manzano and Joey de Leon.