Hindi assurance ang pagiging kapatid ng mga artista para makapasa sa auditions ng Artista Academy.
Narinig ko ang tsismis, I repeat, tsismis na hindi pumasa sa Artista Academy auditions ang mga kapatid nina Gerald Anderson at Aljur Abrenica.
Makukumpirma natin ang tsismis kapag ipinakilala na ang labing-anim na contestants ng maingay na talent search show ng TV5.
Mga aspiring actor sina Kenneth Anderson at Alvin Abrenica. Mga guwapo naman sila pero nakalalamang pa rin sa physical looks ang kanilang mga kuya.
Ito ang dilemma ng mga kapatid ng mga kilalang artista dahil palagi silang pinagkukumpara.
Ruffa wala na talagang planong siputin ang paparazzi
Nagsalita nang tapos si Annabelle Rama, hindi na sisipot si Ruffa Gutierrez sa Paparazzi sa darating na Sabado dahil talagang dinamdam ng anak niya ang nangyari sa birthday episode nito.
May ibang pagkakaabalahan si Ruffa sa Sabado dahil grand launch ng kanyang website na iloveruffag. Para matapos na ang isyu tungkol sa pag-alis niya sa Paparazzi, sasagutin ni Ruffa ang lahat ng mga question sa launch ng iloveruffag website.
Kalagayan ni Dolphy ipinagdarasal ng international singer na si Jenniffer Holliday
Ibang klase rin ang American singer na si Jennifer Holliday dahil kasama siya ng sambayanang Pilipino sa pagdarasal para kay Mang Dolphy.
“Dear GOD, WE PRAY4 DOLPHY who is in critical condition!. We THANK U4 His Life&The Joy Dolphy has Brought 2The Filipino People! “ ang tweet ni Jennifer na ikinatuwa ng mga nagmamahal sa King of Comedy.
Si Jennifer ang original artist ng And I Am Telling You... at nakilala siya ng young generation dahil sa duet nila ni Jessica Sanchez sa finale night ng American Idol Season 11.
Tunay na anak ang turing ni Jennifer kay Jessica kaya napamahal siya sa mga Pilipino. Lalong minahal ng mga Pinoy ang sikat na singer dahil sa concern na ipinakita niya kay Mang Dolphy na siguradong matutuwa kapag nalaman nito na ipinagdarasal ng isang international celebrity ang kanyang kalagayan.
Jennylyn at sid magbibida sa hindi ka na mag-iisa….
Hindi Ka na Mag-iisa ang bagong afternoon teleserye ng GMA 7 na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Sid Lucero.
Matagal nang hindi napapanood si Jennylyn sa isang drama show kaya excited ang kanyang fans. Huling napanood si Jennylyn sa special participation niya sa Makapiling Kang Muli bilang young Rio Locsin.