^

PSN Showbiz

Daig pa ang produ, Bianca nauna pang mag-promote ng movie ni Dennis

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

Supportive GF si Bianca King sa nobyo niyang si Dennis Trillo dahil nauuna pa itong mag-promote sa projects ng actor kesa mga producer. Pino-promote nito ngayon ang Ang Katiwala, ang entry ng actor sa 2012 Cinemalaya sa New Breed category at pinost sa Twitter ang poster ng movie sa direction ni Aloy Adlawan.

Sigurado kaming ipo-promote rin ni Bianca ang Shake, Rattle & Roll 14, kung saan, bida si Dennis sa Lost Command episode.

Samantala, bago mag-taping para sa Luna Blanca, bibisitahin muna ni Bianca sa Canada ang pa­rents. July 9, siya aalis and for nine days, bakasyon ang dalaga. Sa kanyang pagbalik, sasabak na siya sa taping kung saan, siya ang gaganap na dalagang si Luna.

Most Beautiful ng Yes, Kapamilya uli

May pa-presscon ang Yes! Magazine para i-announce ang most beautiful list ng magazine for this year. Tama kaya ang source namin na isa uling Kapamilya star ang napiling nangunguna sa most beautiful list at cover ng magazine?

Maging ang FHM ay ipapahayag na rin ang result at winners sa FHM  100 Sexiest Women. Inaabangan na ng FHM Victory Party sa July 12 na gagawin sa Halls B & C ng World Trade Center.

Kris Bernal umamin na tungkol kay Carl

Ipinost ni Kris Bernal sa kanyang Twitter account last Sunday ang boquet ng red roses na kanyang natanggap after Party Pilipinas. “Sweet surprise! Don’t you like receiving flowers at work?” tweet nito.

Kahit hindi sinabi kung kanino galing ang flowers, alam na galing ‘yun kay Carl Guevarra. Sabi ni Kris, hindi pa niya BF ang aktor, pero inaming lumalabas sila at maganda ang ending nang labas-labas na ‘yan. Ask Rocco Nacino and Sheena Halili!

Matagal ng walang GF si Carl, si Louise delos Reyes pa yata ang last relationship nito at si Kris, matagal na ring break kay Jay Perillo.

Ruffa pinatawad na si Mr. Fu

Kahapon sa radio show ni Mr. Fu sa 103.5 WOW FM, binasa nito ang text message ni Ruffa Gutierrez bilang sagot sa panig ni Mr. Fu sa nangyari sa Paparazzi last Sunday.

Heto ang text message ni Ruffa kay Mr. Fu: “I am not one to hold grudges but may this never happen to anyone ever again. I’m sure we’ll be seeing each other soon and we’ll be working each other again. Till then. More blessings!”

Tirso sinusungkit din ng Kapatid

Kahit magre-resume na ang taping ng Kailangan Ko’y Ikaw sa July 23, hindi pa rin maaapektuhan ang schedule ni Tirso Cruz III na ginagawa rin ang Against All Odds, sa ABS-CBN pa rin. Sa galing na aktor ni Pip, hindi siya malilito sa magkaiba niyang role.

Nalaman naming may offer ding teleserye ang TV5 kay Pip after nitong mag-guest sa Valiente, pero hindi niya natanggap dahil may exclusive contract siya sa Kapamilya Network.

AGAINST ALL ODDS

ALOY ADLAWAN

ANG KATIWALA

ASK ROCCO NACINO AND SHEENA HALILI

BIANCA

CARL GUEVARRA

HALLS B

KRIS BERNAL

MR. FU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with