Kapatid network anim na bilyon na ang lugi!
MANILA, Philippines - Grabe, ang laki na pala ng lugi ng TV5. Ayon sa report na lumabas tumataginting na P6 bilyon - P4.1 bilyon noong 2011 at P2.1 bilyon naman noong 2010 – ang nawalang pera sa Kapatid Network.
Ayon pa sa report tumaas ang production costs nila at umabot sa P3.76 billion noong 2011 mula sa P1.83 billion noong 2010. Kasama raw sa production costs ang talent fees ng mga artista nila.
Ang yaman. Susme.
Saan kaya nanggagaling ang mga ganung datung?
Naka-contribute kaya sa P4 billion na ‘yun ang P1 Billion na TF ni Megastar Sharon Cuneta?
Ang malaking talent fee rin ni Nora Aunor na ngayon ay nakatengga at walang trabaho. Yup nasa bansa si Ate Guy pero ayaw daw muna nitong maglalabas hangga’t walang trabaho.
Pero kamakailan ay dumalaw siya kay Tito Dolphy.
Ang laki rin of course ng mga programa nila. Like ‘yung Extreme Make Over na kung saan ginigiba ang mga bahay at saka patatayuan ng mas magarang tirahan. Ang sosyal.
Meron pa silang Aga Muhlach na siyempre ay malaki rin ang talent fee. At ‘wag nating kaligtaan si Willie Revillame na nagpatuloy ang pagyaman nang bigyan nila ng show.
Anyway, sino pa kayang mga artista ang lilipat sa TV5? Kabilang sa mga napapabalitang inoperan ay si Piolo Pascual.
Hmmm. Magdalawang isip na kaya ang mga artistang may plano sanang lumipat?
Paano na kaya ang talent fees nila?
Isa pa sa muntik nang maging taga-TV5 ay si John Lloyd Cruz pero nang mabasa raw ng kampo ng aktor ang kontrata ay nag-back out ito.
Direk Tikoy at Gov. ER nagkasundo na sa Manila Kingpin
Uy nag-usap na pala sina Direk Tikoy Aguiluz at Gov. ER Ejercito sa ginanap na International Film Conference sa PICC kahapon.
Ayon sa saksi ng pag-uusap ng dalawa, sinabi ni Direk Tikoy na sana ay maipalabas na ang original version ng Manila Kingpin : The Asiong Salonga Story na nag-create ng malaking issue nang ipa-edit sa iba ni Gov. ER ang nasabing filmfest entry nila last year. Ayon sa mga interview noon ni ER, masyadong mabagal ang pacing nang pagkaka-edit ni Direk Tikoy na ipinaglaban daw niya sa kanyang producer.
So ipina-edit ang pelikula sa mga bata kaya nadoble ang gastos nila.
Doon nagalit ang director at hinamong tanggalin ang pangalan niya sa credits ng pelikula.
At kapahon nga, nakita silang nag-uusap tungkol sa pagpapalabas uli ng director’s cut ng Manila Kingpin : The Asiong Salonga Story.
Kylie nawala na ang tatak ng pagiging bad daughter
At least napatunayan ni Kylie Padilla na hindi siya bad daughter bilang anak siya ni bad boy of showbiz na si Robin Padilla. Lalo na nga’t pinuri siya sa natapos niyang programa sa GMA 7 na The Good Daughter na umani ng positive reviews habang nasa ere ito mula noong February hanggang magtapos early this month na umabot sa 78 episodes.
Good girl na pinagmasamaan ang character niya bilang si Bea Guevarra sa afternoon soap na dinirek ni Michael Tuviera. Naka-partner niya si Rocco Nacino pero hindi sila nagka-debelopan bilang may Sheena Halili na si Rocco. Sinuportahan siya nina Raymond Bagatsing, Alicia Mayer, LJ Reyes and Max Collins na tinulungan din siya para mas lalong mapansin ang acting niya.
Sinabi minsan ni Kylie na naging madali ang trabaho niya sa nasabing afternoon serye dahil naka-relate siya sa character na ginampanan niya. “May mga linya si Bea na nasabi ko na sa totoong buhay at may mga eksena ako na nangyari na rin sa buhay ko. Parang bumabalik ako sa moments na ‘yun in my past na reflective of the ones we shot.”
Alaga ng GMA Artist Center si Kylie at kamakailan ay tinanghal siyang Best New Female Personality ng PMPC Star Awards for Television.
Direk Mario na-cremate na!
Na-cremate na rin kagabi ang director na si Mario O’Hara na namatay kahapon ng tanghali ayon sa isang pamangkin ni Direk. Kaya ngayong araw pa lang ito mag-uumpisang paglamayan.
Last week nang maging critical si Direk Mario dahil sa sakit na leukemia. Pero bilang miyembro nga siyang Jehovah’s Witnesses, hindi siya nagpasalin ng dugo.
Gusto pa nga raw nitong lumabas ng hospital last Friday. Pero hindi na raw nakalabas at kahapon nga ay binawian na siya ng buhay.
Huling obra niya ang Sa Ngalan ng Ina ni Nora Aunor na ipinalabas sa TV5.
- Latest