Alam n’yo ba na may alagang 15 aso sa kanyang bahay si Daniel Matsunaga? Bagaman at imposible namang mag-isa ang tumitingin at nag-aalaga sa mga ito na medyo may kalakihan dahil mga Alaskan malamutes at mabalahibo, mayroon siyang mga katulong sa pag-aalaga ng kanyang mga hayop na sinabi niyang hindi impluwensiya ni Heart Evangelista na mahilig din sa mga aso. Sinabi niyang bago pa sila nagkarelasyon ay talagang mahilig na siyang mag-alaga ng hayop at hindi lamang mga aso. Inilalakad niya ang mga ito para ma-exercise.
Nakatulong ng malaki ang mga aso niya nung maghiwalay sila ni Heart. Sa kanila niya ibinaling ang atensiyon niya. At that time, wala pa siya sa Kapatid Network kaya hindi pa siya busy. Ngayon, kasama na siya sa Game ‘N Go.
Samantala, wala pang nakikita si Daniel na makakapalit ni Heart sa kanyang puso. Maging ang pag-aasawa na dati’y inisip niya ay kinalimutan na niya.
“I have no plans to get married, not anymore. I plan to be single for a long time. I leave it to God to give me my future. My life suddenly changes after two months, it’s super masaya now,” sabi niya sa isang interview na ipinatawag ng TV5, kasabay pagtanggi sa pagli-link sa kanila ngayon ni Glaiza de Castro.
Aljur nagulat sa mga fans niya sa America
Hindi akalain ni Aljur Abrenica na marami rin pala siyang fans sa Amerika. Kararating lamang niya ng bansa matapos mag-promote sa US ng GMA Pinoy TV kasama sina Rachel Ann Go at Dingdong Dantes.
Sa tuwing naglalakad siya para mag-sight seeing, marami ang sumasalubong at yumayakap sa kanya. Nagugulat na lamang siya dahil mas physical at demonstrative ang mga fans doon.
Kapag nakikilala nila siya ay bigla na lang siyang niyayakap at sinasabing how they love him and that they’ve watched his shows. Tuwang-tuwa naman siya dahil talagang ‘di niya expected na may mga fans din siya dun, at marami sila.
Nova Villa natakot para kay Dolphy
Natakot marahil si Nova Villa na baka may mangyari sa kanyang kaibigang si Dolphy na nasa US siya nang mabalitang maysakit at nasa malubhang karamdaman kaya kinailangang ipasok ito ng ICU sa Makati Med kaya inagahan niya ng dalawang araw ang kanyang pagbabalik. Sa halip na magalak dahil magkikita na sila ng dating kapareha, nalungkot siya dahil kahit saan siya pumunta, maski na sa comfort room ng airlines ay marami ang nagpapaabot ng pangungumusta at dasal sa sikat na komedyante.
“Napaka-well loved ni Dolphy, walang hindi nagsasalita ng hindi maganda tungkol sa kanya, at lahat gustong makitang gumaling siya. Dumiretso na ako ng Makati Med nang dumating ako at kahit hindi ako nakapasok ng ICU masaya na rin ako dahil nakita ko mas bumuti na nga ang kalagayan niya kumpara sa mga naunang araw ng confinement niya. Hindi man kami nagkausap, pero nalaman niyang dumating ako, sinabi ito sa kanya ng mga anak niya na nasa loob ng kuwarto niya. Dun lang okay na ako,” anang komedyante rin na isa lamang sa maraming nagmamahal sa may sakit.
Charice iyak nang iyak sa X Factor
Kung sa unang pagpapalabas ng The X Factor ko ibabase, masasabi ko na agad na magiging masaya ang palabas at sa rami ng mga magagaling na nag -audition, magiging mahigpitan ang labanan.
Audition pa lamang ay nag-effort na agad ang marami na magbihis na parang pupunta na agad sila sa isang concert. Kaya lang, kailangan bang may sob story sila? Requirement ba ito sa mga auditionees?
Paano kung masaya lang ang buhay nila, will this make them less magaling?
Sa rami ng may malulungkot na story, palagi tuloy umiiyak si Charice. Minsan kinailangan nilang mag-break para mahimasmasan siya. But no matter the iyakan portion, masaya ang auditions na napanood sa unang salta ng The X Factor. Sana maging ganito rin kasaya hanggang sa contest proper. At sana rin, bawasan nina Martin Nievera, Gary Valenciano, Pilita Corrales, at Charice ang pagbabase ng kanilang desisyon less sa kanilang puso but more sa telento ng mag-o-audition.