Pambabastos kay Ruffa hindi pinalampas ni Nadia

PIK: Nagsimula nang mag-shooting kamakalawa lang sina Jose Manalo at Wally Bayola para sa pelikulang Sa Yo ang Pritil, sa Akin ang Bangkusay. Sa title pa lang ay mukhang riot na sa katatawanan.

Ito ang pelikulang ipinangako ni Vic Sotto kasama ang APT Films ni Mr. Tony Tuviera sa kanilang concert sa Araneta Coliseum.

Excited ang mag-tandem sa proyektong ito dahil sila na ang bida rito, at sila talaga ang ibebenta.

Siyempre, suportado naman daw ito ng buong Dabarkads lalo na si Bossing Vic na parang manager na ng dalawa.

Si Soleen Heusaff ang leading lady ni Jose at si Pokwang naman ang kay Wally.

PAK: Nagkasama sina Ruffa Gutierrez at Mr. Fu sa Ms. World beauty pageant kamakalawa ng gabi.

Pero hindi raw sila nagkita roon. Balak daw sanang pasukin ni Mr. Fu si Ruffa sa dressing room nito, pero umatras na lang siya at baka hindi pa raw handa si Ruffa na makita siya.

Ayaw naman daw niyang sirain ang araw ni Ruffa lalo na’t birthday nito.

Naglabas naman ng statement si Mr. Fu kaugnay sa isyung ito dahil siya ang itinuturong bumulong ng bastos na tanong kay Ruffa.

 “For the record, I did not mention any foul terms in Paparazzi’s Bulong segment. It was the same question that I asked to other guests who became part of the segment.

“I apologize to Ruffa if she got offended. The writers and staff did not intend to ruin her birthday celebration. It was all for fun but again, I am sorry if things turned out this way. I am still proud of our show Paparazzi because I know I am working with hardworking and talented people. All the best to all of us!”

BOOM: Natuloy din ang arraignment ng kasong 14 counts of Libel na isinampa ni Nadia Montenegro laban kay Annabelle Rama.

Ginanap ang hearing sa sala ni Judge Eleuterio Bathan ng Branch 92 ng Quezon City Regional Trial Court.

Kasama ni Tita Annabelle ang kanyang abugado, at nag-plea ito ng not guilty sa korte.

Tumangging magsalita si Tita Annabelle, pati ang abogado nito ay tikom din ang bibig at wala talaga itong sinagot sa mga reporters na nagtanong.

Si Nadia lang ang nagsalita na pinatu­tsadahan pati si Ruffa Gutierrez dahil sa nangyari sa kanya sa Paparazzi.

Sabi ni Nadia, “Alam kong may pinagdaanan silang mag-ina dahil sa ginawang pambabastos kay Ruffa sa Paparazzi.  

“Masakit talaga ang mabastos, sana naisip niya ang mga anak ko kung paano rin niya ako binastos noon sa mga pinagsasabi niya sa TV.

“May kasabihan nga, ‘do not do unto others if you do not want to do unto you’. Bilog talaga ang mundo.”

Ayaw nang sagutin ni Tita Annabelle ang mga sinabi ni Nadia. Mas pinili nitong manahimik.

Show comments