MANILA, Philippines - Ang T3, ang public affairs show ng TV5 na programa nina Erwin, Raffy, at Ben Tulfo, ay muling magbabalik sa TV ngayong Lunes, June 25. Ang show ay babalik on air dahil sa temporary restraining order (TRO) na inisyu ng Court of Appeals nung June 20.
Kasama ng pagbabalik ng T3 show ay ang pagsasama uli ng Tulfo brothers sa kanilang distinct brand of public service.
Ang Court of Appeals ay nagpahintulot sa petisyon ng Kapatid Network para hindi maisakatuparan ang pagsususpindi ng programa ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa loob ng tatlong buwan.