Sama-samang nagdadasal, Dolphy pinagkakaisa ang mga Muslim at Hudyo

Isang kalma na Eric Quizon ang narinig naming nagbibigay ng update sa kondisyon ng amang si Dolphy sa Showbiz Rampa nina Noel Ferrer at Shalala sa 103.5 WOW FM kahapon. Dahil nag-improve ang vital signs, nag-dialysis uli ang Comedy King na tumatagal pala ng six to eight hours.

Natawa pa nga si Eric nang magkamali ng bilang ng kanyang mga kapatid. Sana raw tama ang bilang niyang 14 sila pero kinorek din ang sarili’t 18 talaga sila. May isa ng pumanaw, kaya 17 na lang sila at 15 silang narito sa bansa. This week, may isa pa silang kapatid na darating.

“My dad is bringing the family together and the country together,” sabi ni Eric.

Ibinalita na rin nito na pati Muslim at Jewish community dito ay nagdadasal para gumaling ang ama.

“Nakakataba ng puso na maraming nagdadasal para gumaling si dad. A miracle is happening now,” dagdag pa ni Eric.

Espanyol na tatay ni Marian bibisita na sa ’Pinas

Masayang ibinalita ni Marian Rivera na bibisita rito ang ama niyang si Francisco Javier Gracia Alonso. Pagdating ng ama, makikita kung gaano katagumpay ang anak bilang aktres. Sa litratong na-email ni Popoy Caritativo, makikitang malaki ang hawig ng aktres sa kanyang ama.

Samantala, inihahanda na ang pelikulang pagtatambalan nina Marian at Coco Martin under Regal Entertainment, Inc. Kung nasunod ang request ng aktres, gusto niyang heavy drama ang movie na ididirek ni Maryo J. delos Reyes.

Hiwalay muna sila ni Dingdong Dantes na nasa Baguio at nagsyu-shooting ng One More Try ng Star Cinema kasama sina Angel Locsin at Angelica Panganiban.

LT alaga ang mga manok, naka-aircon pa

Last week na ng Valiente ngayon at masaya si Lorna Tolentino na maging part ng teleserye kahit two weeks lang siya lumabas. Kahit sandali lang nag-taping ang aktres, nangarag pa rin siya sa mahahabang monologue na nagpaiyak sa kanya sa sobrang nerbiyos.

Sunod na mapapanood si LT sa Third Eye na reality horror show ng TV5 at kakaibang experience naman ang naranasan niya rito. Sa September magtatapos ang kontrata ni LT sa TV5, hindi naman siguro papayag ang network na mawala siya sa roster ng kanilang talents.

’Katuwa pala si LT dahil mga tanim sa Vera Farms ang laman ng cell phone. Ipinagmalaki nitong may dragon fruit siya, pineapple (masarap, nabigyan kami), bell pepper, tomato, at marami pang iba. May poultry din sila at naka-aircon ang mga manok. Si Isabel Rivas pala ang inspiration nila sa Vera Farms.

Samantala sa Valiente, ibubuking ni Gardo (JC de Vera) ang sikreto ni Mila (LT) at kung ano ang relasyon niya kay Maila (Nadine Samonte).

Mr. Fu ipinagtanggol ang writers na ‘bumulong’ kay Ruffa

Isa si Mr. Fu sa nadiin sa pagku-quit ni Ruffa Gutierrez sa Paparazzi dahil isa raw ang tanong niya sa ikina-offend ng TV host-actress. Pero nilinaw ni Mr. Fu sa radio show pa rin nina Noel Ferrer at Shalala na wala siyang sinabing masam Sabi nito: “For the record, I did not mention any foul terms in Paparazzi’s Bulong segment. It was the same question that I asked to other guests who became part of the segment. I apologize to Ruffa if she got offended. The writers and staff did not intend to ruin her birthday celebration. It was all for fun but again, I am sorry if things turned out this way. I am still proud of our show because I know I am working with hardworking and talented people. All the best to all of us.”

  

Show comments