Manila, Philippines - Pinakamasayang rainy season ang ipagdiriwang ng ASAP 2012 ngayong Linggo (Hunyo 24) sa pagbaha ng mga bigating sorpresa at world-class performances mula sa mga pinakamalalaking pangalan sa industriya ng showbiz.
Huwag palampasin ang engrandeng pasasalamat at pamamaalam ng malapit nang magtapos na Dahil sa Pag-ibig na pangungunahan ng lead stars nitong sina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Cristine Reyes, at Maricar Reyes; ang pagkilala sa pinakabagong Kapamilya kids reality show kasama ang mga host at mentor nitong sina Karylle, Xian Lim, at Dimples Romana; at ang pagsilip sa pinakabagong Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN na Lorenzo’s Time.
Tuloy-tuloy ang selebrasyon sa ASAP centerstage sa espesyal na birthday bash para sa nagbabalik na teleserye princess na si Andi Eigenmann; at sa paglunsad ng mga pinakabagong album nina Robin Nievera at Cathy Go.
Uulan ng saya at kilig sa dance floor dala ng malulupit na back-to-back production numbers na inihanda ng Kapamilya hunks na sina Gerald Anderson, Enchong Dee, at Jake Cuenca, at ng Kapamilya leading ladies na sina Maja Salvador, Shaina Magdayao, Bangs Garcia, at Megan Young; na susundan naman ng hindi dapat palampasing makapigil-hiningang dance showcase nina KC Concepcion, Kim Chiu, Iza Calzado, John Prats, Empress, Sam Concepcion at Anja Aguilar; at ng espesyal na sorpresa na ihahatid nina Enrique Gil, JM de Guzman at Martin del Rosario.
Samantala, abangan ang matinding bugso ng sunurang makatindig-balahibong production numbers handog ng ASAP mainstays na sina Martin Nievera, Arnel Pineda, Christian Bautista, Erik Santos, ASAP Sessionistas at ASAP Pinoy Champs; at ang isa na namang hindi malilimutang vocal performance ni Angeline Quinto si Angeline on Q.