Nagkita na kaya sina Heart Evangelista at Daniel Matsunaga matapos ang matindi nilang break-up? Wala kayang pagsisising nadarama ang aktres dahil napaka-yummy naman pala ng kanyang ex na kung gaano man kalungkot tinanggap ang kanilang paghihiwalay ay dalawang buwan lamang inabot ang kanyang pagdadalamhati at pagluluksa. Guwapung-guwapo ito at walang bakas ng kalungkutan at kahit medyo hindi pa bumabalik sa dati ang kanyang pangangatawan na sinasabi niyang did not take its toll on their break-up, but explained na ang araw-araw niyang pagpunta sa gym para mag-work out at maibalik sa dati ay tila malaki ang nagiging epekto.
Sa ngayon, maganda ang itinatakbo ng kanyang karera sa pag-aartista.
Hindi lamang ang Tagalog niya ang nagbabadya ng magandang bukas kundi lalo na ang kanyang career. Para sa isang baguhan, maganda ‘yung kontrata na pinirmahan niya sa Kapatid Network o TV5 para sa dalawang taon. Bukod sa non-exclusive ito at hindi siya pinagbabawalang lumabas sa ibang network, guaranteed pa rin ito.
Sumabak na siya sa Game N Go na pinangungunahan nina Edu Manzano, Joey de Leon, Arnel Santiago, Shalani Romulo at Gelli de Belen.
“I never expected it could be this fun, I was nervous at first but the bunch of the best and established people in the industry were very welcoming and guided me and taught me the ropes,” anang bagong Kapatid na literally ay nawalan ng panahon for love dahil araw-araw ay may ginagawa siya. Kundi siya nagwo-workshop ng dalawang oras araw-araw sa acting at hosting ay may anim na oras din siyang workshop sa singing at guitar playing.
But what about a reconciliation, may posibilidad ba ito sa kanilang dalawa?
“No reconciliation,” ang unang sagot niya pero, dinagdagan niya ng “Let’s see what’s gonna happen.”
Balak ni Daniel na manatili ng bansa ng permanente.
Bukod sa Game N Go, may gagawing fantaserye si Daniel sa TV5. Ito ang Enchanted Garden na kung saan ay magiging bahagi siya ng love triangle nina Alex Gonzaga at Martin Escudero. May nakatakda rin siya gawing horror. Hindi na bago sa kanya ang pagiging product endorser. May nagawa na siya para sa isang brand ng hamburger before. Ngayon ang ini-endorso niya ay ang SM Men’s Wear.
Amy baliw na baliw sa alagang apo
Sinabi na ni Amy Austria na ngayon ay ginagamit na rin niya sa pag-aartista ang apelyido ng kanyang asawa na Ventura na gusto na lang sanang magpahinga sa kanyang trabaho at mag-asikaso ng kanyang pamilya lalo na ngayong sa kanyang mga kamay naiwan ang pangangalaga ng kanyang apo habang nagtatrabaho sa New Zealand ang kanyang anak, hindi rin ito nakatanggi sa alok ng ABS-CBN para sa isang kakaibang role sa family drama na Lorenzo’s Time.
“Kinausap ako ng mga bossing ng ABS-CBN at nang sabihin niila sa akin ang istorya ng teleserye na pagbibidahan ng isang bata, si Zaijian Jaranilla, hindi na ako nakatanggi. Opposite ito ng role na ginampanan ko sa Minsan
lang Kita Iibigin.Talagang bad ako dito,” sabi ng lola na baliw na baliw sa kanyang apo.
When asked kung bakit ginagamit na niya ngayon ang apelyido ng kanyang asawa, pabirong sinabi niyang “Para hindi na ako maligawan” pero ang totoong dahilan ay “Pinahahalagahan ko ang relasyon namin at ito ang pina-priority ko sa ngayon at ang pinaka-magandang paraan para maipakita ko kung paano ko ito pinahahalagahan.