Rommel sinumbatan si Carmina kung bakit hindi 'nakipaglibing' kay Rustom

Magkasama sina Carmina Villaroel at ang da­ting bayaw niyang si Rommel Padilla sa teleser­yeng Lorenzo’s Time na pinagbibidahan ni Zaijian Jaranilla. Masaya naman si Rommel na makatraba­ho niya si Carmina sa kanyang pagbabalik-showbiz. Wala rin namang problema na magkasama silang dalawa sa iisang proyekto.

“Masayang-masaya ako na makatrabaho si Car­­­mina. Kinabahan ako noong first day pero kasi first time kitang nakita ulit, pagkatapos mamatay ni Rustom (BB Gandanghari na ngayon). Sabihin ko sana, ‘Bakit ’di ka nakipaglibing?’” pabirong pahayag ni Rommel.

Pabirong sagot naman ni Carmina, “Sabihin ko sana, ‘Ba’t ’di n’yo man lang ako inimbita? Eh ’di rin pala kayo nakapunta,”

Nananatiling maganda ang relasyon ng aktres sa pamilya ng Padilla kahit nagkahiwalay na sila ng dating asawa.

“Dahil sa maturity na rin siguro at saka ’yung respeto mo na rin sa tao. Kaya siguro wala akong sama ng loob kasi masaya ako sa buhay ko eh. Kung me­ron akong angst siguro ganun ang reaction ko ’di ba? Pero kasi ngayon lahat magaan, lahat masaya. I’m so blessed, ayoko ng mga negative vibes. Kailangan good vibes lang,” paliwanag ni Carmina.

Nagulat ang aktres nang malaman na magkakasama sila ni Rommel sa nasabing proyekto pero wala naman naging hadlang para hindi ito matuloy.

“Parang ako, ‘Ah talaga? Okay.’ Kasi wala naman kaming samaan ng loob. Wala eh, wala talaga. Kahit na sino sa mga kapatid niya ang makita ko, ’di ako maiilang or magiging uncomfortable. I’m just happy to see him (Rommel), parang ganun lang ’yung reaction ko,” kuwento pa ni Carmina.

Dimples kinabahan sa bagong show

Kahapon ay nagsimula na ang bagong show ni Dimples Romana na Promil Pre-School I-Shine Talent Camp. Masayang-masaya si Dimples dahil isa siya sa mga napiling host ng nasabing programa.

“Super kilig, parang dream come true for me. Ang tagal ko kasi hinintay. I know I do a lot of teleseryes but this is something very refreshing for me. Of course as an artist I want to do many different things, and as an artist this makes me more fulfilled as an artist,” nakangiting pahayag ni Dimples.

Nakaramdam daw ng kaba ang aktres para sa kanyang bagong proyektong ito.

“Lagi naman ’yan kasi hindi mo naman alam kung ano ang magiging reception ng tao pero ang sarap lang ng pakiramdam na the people I am working with are inclined into making the families closer to each other in terms of nurturing the child’s potential. It is really fulfilling project because I know my daughter will be able to watch it and enjoy it with me,” giit pa ng aktres.

Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments