^

PSN Showbiz

Mga Pulis wanted kay Ted

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kung dati ay kotong cops lang ang reklamo, ngayon ay level up na rin ang krimeng kinasasangkutan ng ilang mga pulis tulad ng rape, carnapping, pagnanakaw, kidnapping, at mayroon pang ilan na muntikan nang makapatay.

Sa tala ng Philippine National Police (PNP), umabot na sa 137 ang mga kasong isinampa laban sa mga pulis na may ranggong PO1 hanggang Police Superintendent o Lieutenant Colonel magmula noong 2010 hanggang April ngayong taon. 

Halimbawa na lamang nito sina PO3 Morris Malindog at PO1 Robert Cruz na nilooban ang bahay ng pamilya Bagui sa Sta. Ana, Manila at nilimas ang kanilang ari-ariang tinatayang umabot sa P2 milyon ang halaga.

Hindi rin nagpahuli ang mga pulis na may mataas ng ranggo tulad ng mga heneral na sangkot sa ma-anu­malyang transaksiyon noong 2009 kung saan bu­mili ang PNP ng tatlong second-hand choppers na umabot sa P105 milyon.

Ano na kaya ang nangyari sa kasong ito? Sa mas malalim na pag-iimbestiga ng Failon Ngayon, napag-alaman ding may ilang mga opisyal ang PNP na dapat ay dismissed na ngunit nasa serbisyo pa rin. 

Sinu-sino sila? Sinu-sino naman ang mga pulis na naparusahan sa krimeng kanilang nagawa? 

Tunghayan ang buong kuwento ngayong Sabado (June 23) sa Failon Ngayon, 5 p.m. sa ABS-CBN. Mag-komento at ipahayag ang inyong saloobin sa official page ng programa sa http://www.facebook.com/failon.ngayon at i-follow ito sa Twitter sa http://www.twitter.com/Failon_Ngayon.

ANO

BAGUI

FAILON NGAYON

LIEUTENANT COLONEL

MORRIS MALINDOG

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POLICE SUPERINTENDENT

ROBERT CRUZ

SINU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with