Solenn sasayawan ng tatlong topless models

MANILA, Philippines - Ngayong Linggo (June 24), samahan sina Pareng Ogie at Pareng Bitoy sa katatawanan, kuwentuhan, at kantahan sa kinagigiliwang musical-talk show ng Kapuso Network, ang Pare & Pare!

Makipagkulitan sa bibong Kapuso child star na si Jilian Ward dahil kanyang sasagutin ang mga maintrigang tanong tungkol sa mga showbiz crush niya at ang kanyang hilig sa fairy tales. Mamangha rin sa kanyang pagkanta, sayaw at pagluto sa tulong nina Pareng Ogie at Pareng Bitoy. Sino kaya ang unang susuko sa kulitan — ang batang bibo o ang magkumpare? 

Paiinitin naman ng Kapuso leading lady Solenn Heussaff ang entablado sa kanyang pag-awit at pagsayaw ng kanyang single na Ladies Night ka­sa­ma ang hindi lang isa o dalawa… kundi tatlong topless male models! Makipag-jamming din sa sikat na bandang Never the Stranger.

Magbibigay-pugay din sina Pareng Ogie at Pa­reng Bitoy sa King of Comedy na si Dolphy.

Samantala, sa Uso Ngayong Linggo, silipin ang mga hottest showbiz news, kasama ang la­test na ipinakita ni Madonna sa kanyang concert sa Turkey. Magpawis at makisayaw din sa hottest viral video, How to Dance in the Club. Kilalanin din ang dalawang kuwelang dance divas sa bagong video na How Not to Dance in the Club.

Lahat ’yan, mainit na ihahanda sa inyo nina Pareng Ogie at Pareng Bitoy sa Pare & Pare, sa GMA Sunday Grande, pagkatapos ng Pinoy Adventures.   

Show comments