^

PSN Showbiz

Sexy actress ipinagpalit ng karelasyon sa pangit!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

“Ang pangit” ang description ng sexy star (SS) sa babaeng ipinalit sa kanya ng kanyang ex-boyfriend at ipinakita nito sa amin ang picture ng babae at ng dati niyang dyowa. In fairness sa sexy star, nagsasabi ng totoo ang sexy star dahil ang layo sa ganda niya sa present girlfriend ng kanyang ex, kaya magtataka ka kung bakit siya iniwan ng lalaki.

   Ang masakit pa nito, hindi pormal na nakipag-break sa kanya ang mayamang ex-BF, hindi na lang nagpakita at nabalitaan na lang niyang may iba na itong babae. Ang babae ang kinakaray ngayon ng lalaki sa events and parties na invited siya at tala­gang “My GF” ang pakilala sa mga kaibigan.

   Obvious din na naikuwento siya ng ex sa bago nitong GF dahil sabi ni SS, nag-text sa kanya ang babae at nakiusap na tigilan na sila ng kanyang BF. Dito nagalit si SS dahil matagal na silang walang komunikasyon ng ex at isa pa sa ikinagagalit nito’y ang pagbibigay ng lalaki sa number niya sa GF nito ngayon.

Anne tapos nang mag-shooting sa Hollywood!

Na-tweet ni Anne Curtis na by Tuesday, June 26, nasa bansa na siya at nasa It’s Showtime na. Ilang linggo ring nawala ang aktres dahil nag-shooting ng pelikulang Blood Ransom sa Amerika at ito ay sa direksiyon ng Fil-Am director na si Francis dela Torre. Siya rin ang direktor ng Subject: I Love You ni Jericho Rosales, pero sana, mas maramdaman ’pag ipinalabas na rito ang movie.

Bida si Anne sa nasabing pelikula na produced ng Tectonic Films bilang si Crystal na mai-in love sa kumidnap sa kanya, played by Alexander Doetsch. Contrary sa unang balita, hindi lang si Anne ang Filipino sa cast dahil nabasa namin ang mga pangalan nina Suzette Ranillo at Darion at Don Basco.

Albert Chang ang nakasulat na producer sa website ng Tectonic Films, Chinese ito, pero may Pinoy staff din sa pelikula, kaya hindi nahirapang magtrabaho si Anne. Tiyak na marami itong kuwento sa kanyang pagbabalik, kaya hintayin natin.

Jillian at Mona grabeng magpaiyak

Grabe magpaiyak sina Jillian Ward at Mona Louise Rey sa Luna Blanca at feeling namin, may paligsahan ang dalawang bagets kung sino sa kanila ang mas magpapaiyak sa viewers. Teka, ano nga pala ang aksiyon ng GMA 7 sa request ng viewers na mas habaan pa ang labas ng dalawang bata sa family drama?

Anyway, kahit mawala na sa Luna Blanca si Jillian, mapapanood pa rin siya sa TV dahil kasama siya ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa Kap’s Amazing Stories at baka this Sunday na siya lumabas. Magkasama rin sila ni Bong sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nitong Si Agimat, si Enteng, at si ME kasama sina Vic Sotto at Judy Ann Santos.

Hindi rin naman pahuhuli si Mona dahil nasa cast siya ng horror movie ng GMA Films at Reality Entertainment, Inc. na Basement. Wala pang balita kung ano ang role ni Mona sa nasabing pelikula na hindi pa nakakapag-taping.

Makakalaban ni Ipe nagsalita na

Sabi ni Phillip Salvador sa interview sa kanya nang ipahayag ang pagkandidatong vice governor sa Bulacan, maiintindihan siya ni Da­niel Fernando na siyang nakaupo ngayon sa puwesto na tatakbuhan niya. Pareho lang ang gusto nilang makatulong sa mga kababayan nila sa Bulacan, kaya tiyak siyang hindi nito mamasamain ang pagtakbong vice governor din.

Sagot ni Daniel, iginagalang niya ang desisyon ni Phillip na “Kuya Ipe” pa nga ang tawag niya.

“Mahal ko siya, sa akin lang, ngayon pa lang, nasasaktan na ako at ’pag dumating ’yun (kampanya), mas masasaktan ako,” dagdag pa ng aktor.

Wala pang reaction ni Phillip sa tinuran ni Daniel, pero desidido na itong tumakbo sa nabanggit na position sa Bulacan at wala nang makakapagpabago pa sa ngayon.

ALBERT CHANG

ALEXANDER DOETSCH

AMAZING STORIES

ANNE CURTIS

BLOOD RANSOM

BULACAN

LUNA BLANCA

SIYA

TECTONIC FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with